Dapat ba o Hindi Dapat Ipatupad ang K+12?

Dapat ba o Hindi Dapat Ipatupad ang K+12?
Balagtasan
by Pangga Gen

nina Vanessa Lee at Marl Yjuv Toquero


Lakandiwa:

Magandang umaga mga Binibini at Ginoo,
Ako po’y nagaagalak makaharap kayo.
Isang makabuluhang pagtatalo ating matutunghayan.,
Pagtatalong pwedeng magbigay liwanag sa ating bayan.
Noong umupo bilang bagong pinuno,
bilang isang pangulo.

Ang napasikat at napakadilaw na Noynoy Aquino.
Sari-saring batikos binato sa kanya,
Batikos na sadyang minulat ang ating isip at mga mata.
Ang K+12 Policy ating paksa,
Paksang ukol sa edukasyon ng ating bansa.
Ang high school raw ay dagdagan ng dalawang taon,
Ang K naman ay para sa kinder institutionalization.

Ngayon ating dinggin ang babaeng malakas ang dating,
Ang babaeng galing Korea na kinasal sa isang Pilipino,
Ang babaeng nangangalan ay Nesa,
Na tutupad sa repormang edukasyon.
Palakpakan natin siya,
Pakinggan at intindihin si Binibing Vanesa.

Vanesa:

Ako’y kinikilala bilang boss ng DepEd,
Pilipinong buong buo sa dugo, puso’t isipan.
Ang pangalan ko ay Vanesa Lee Roque,
Narito ako para bigyang tamang pag-unawa ang proyekto ng gobyerno.

Isa munang paglilinaw bago po magkagulo ang lahat,
Sana’y makinig kayo.
Ang K+12 project ay platapormang tungo sa pagbabago,
Pagbabago para sa ating bansang nangangailangan.
Upang ang edukasyon ng Pilipinas ay malinang.
The fruit of this change will benefit the next generation,
On behalf of the government, I speak to erase the misconceptions.

Yjuv:

Salamat sa unang pananalita, Binibining Roque.
Ngunit sayo’y may kokontra,
Ang lalaking to,
Ay si Yjuv Toquero.
Ginoong galing probinsya, ginoong akibista.

Ako po si Yjuv Toquero,
Sa usapin ng K+12, tutol ako.
Sapagkat ang programang sadyang ay hindi
“Ang tanging solusyon t’wina sa edukasyon”
Problema ng ating bansa.

Vanesa:

Ang edukasyon ay para sa lahat,
Ito’y aming tutuparin na tapat
Bibigyan pangarap ang bawat Pilipinong bata,
Para sa kinabukasang walang problema
Tulad ng Europe, East Asia, Amerika at iba pa,
Ang total number of years ng primary education ay dapat labindalawa
Oras na ng pagbabago,
Pilipinas nalang ang inaantay ng mundo

Yjuv:

Ako po’y lumaki sa probinsya,
Probinsyang dukha.
Nanay ko, tatay ko, magsasaka.
Sapat na kita nila,
Upang kami’y makatuka.
Pagdadagdagan pa ng dalawang taon,
Naku! Tuition fee ko!
Paghihirap nila madagdagan pa.
Isipin mo, ang dalawang taon na iyon,
Pwede nang dalawang tao sa kolehiyo ngayon.
Ang K+12 ay magastos sa parte ng gobyerno,
At lalong mas magastos sa parte ng pamilya ko.

Vanesa:

Ang edukasyon ay isang investment.
Investment sa mga anak nating magiging doctor, abogado, teacher, nars, pati seargent,
Kung ikaw nasasayangan para sa magiging produkto na ang mga magulang din ang makikinabangan,
H’wag ka nalang mag-aral!
Ang proyektong to’y para sa kabubuti ng bansa.
Batay sa pag-aaral, lagpak ang Pinas sa Math at Science
Dahil kulang sa pagsasanay at aplikasyon mga guro
Kailangan i-angat ang Pilipinas! Oo, i-angat natin to!

Yjuv:

Mga kaibigan, h’wag kayong magpabulag sa kaibigan kong duwag!
Ako’y paniwalaan, na K+12 ay hindi lamang ang solusyon sa edukasyon ng ating bayan.
Gobyerno’y sana’y mas paigtingin,
Ang problema sa kaledad ng mga guro natin.
Isipin mo to Madame Koreana,
Sige mag-aral ka nga mahabang panahon.
Ngunit guro mo ay hindi trained at incompetitive,
Haha…ang K+12 ay di napapanahon!

Vanesa:

Ano ba silbi ng high school diploma?
Bumabata ang ating workforce, nakakahiya naman.
Ang bansa ay nangangailangan ng skilled workers! Hindi mga batang nagtratrabaho.
They belong to the classrooms studying and exploring the world,
At hindi sinasayang ang talino.
Maawa naman po tayo sakanila.
Ganap na propesyonal, sila’y hindi pa.

Yjuv:

Papabulaanan ko ‘yang mga binaggit mo.
Ako’y babalik sa konsepto ng “kalidad” ng edukasyon rito.
Di mo ba alam na tataas ang drop out rates kapag tinupad ang K+12?
Tignan mo, gumawa pa ng mas malaking problema ang policy!
Isa pa, alam mo bang kulang ang mga silid, upuan, at eskwelahan?
Ang K+12 mo rin ba ay kayang resolbahin ang problema sa kakulangan ng libro
O K+12 lang ba ang talaga ay kabaliwan ng gobyerno?
At alam mo binibini, h’wag mo na ipagpilitan,
K+12, walang silbi yan.
Isipin mo, ano nga ba ang problema,
Kung bakit sistema ng edukasyon natin sabog sabog na,
Korupsyon ang dahilan, wala ng iba!
Korupsyon dahil sa kasakiman,
At katakawan sa kapangyarihan!

Vanesa:

Bakit kaya’y lumalayo ang aking kausap sa pinag-uusapan?
Edukasyon ang pinag-uusapan natin dito
Hindi ang korupsyon na pinagsasabi mo
Ang dami mong alam
Maghugas ka na lang ng pinggan!
Heto na lang, ipapakita ko sa’yo kung bakit natin kailangan itupad ang K+12.
Di na tumatanggap ng mga Pilipino ang European nation,
Dahil sa kababahan ng sistema ng ating edukasyon.
Nahihirapan ang mga nanay at tatay kumayod sa ibang bansa.
Ang mga Pinoy na matatalino,
Nagpapakababa’t minsay binobobo.
Ang mga doktor dito ay nagiging nars lamang,
Maging midwife kulang nalang
Ang mga guro ay nawawalan ng dignidad
At buhay nila’y may pait,
Sapagkat silay nagpupunas lamang ng mga p’wet ng mga batang singkit!
Ang mundo ay nagbabago na,
Globalisasyon nasa harap na ng lahat,
Makibagay, makiuso, sumunod iyon ang dapat

Mahirap ang daan tungo sa pagbabago
Ngunit magiging maganda din ang bunga nito.
H’wag nating isara ang ating kaisipan at tayo’y magpakatino,
Gumawa tayo ng paraan upang making din sa sinasabi ng gobyerno.
Ang edukasyon ay dapat para sa lahat.
Baguhin ang sistema, maging internationally competitive,
Ito ang dapat.

Yjuv:

Mga kaibigan ko inyong natunghayan,
Ang debate namin ni binibining Koreana.
Ang sa’kin lang po,
Huwag magpapabulag sa mga programang ‘di naman totoong kailangan.
K+12 andaming loopholes, andaming problema.
Sa K+12 uunlad ba talaga edukasyon sa ating bansa?
Pag-isipan natin ng mabuti, kabayan.

Lakandiwa:

Mga kaibigan, K+12 nga ba ay solusyon
Sa problema ng edukasyon?
Mga kaibigan, ating isasara ang balagtasan na makabuluhan,
Ang balagtasang kailangan.




Dapat ba o Hindi Dapat Ipatupad ang K+12?
Balagtasan
by Pangga Gen


Source : BalaySugidanun.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento