Ang Daigdig ni Pong
by Manny Ison , 1986
Maikling Kwento
"Dito sa amin, masaya, maraming magagandang tanawin," wika ni Pong.
"Pero parang ayoko dito," sagot ni Salome.
"Halika isasama kita doon sa gawi roon, maganda ang tubig ng ilog at makalalakad ka sa ibabaw nito."
"Natatakot ako doon, maraming malalaking paru-paro."
"Wala yun Salome iyon, ang tawia namin doon ay mga lambana, mga diwatang maliliit, maamo sila at di nakapananakit, lahat ng imposible sa inyong mundo ay naririto."
Sumama si Salome kay Pong, isang duwende sa kabilang daigdig. Sa kanilang paglalakad ay napansin ni Salome ang tila gintong lupa na nabudburan ng iba't-ibang kulay ng petal ng bulaklak. Walang hangin sa lugar, ngunit nakakahinga sila ng maluwag. Pirmis ang mga dahon sa paligid. Mga halamang wala sa normal na daigdig.
Sa murang edad ni Salome ay nabibighani siya sa kagandahan ng paligid. Sa susunod na buwan ay ipagdidiwang niya na ang kaniyang 13 kaarawan, papasok sa mundo ng pagdadalaga at paalis na sa mundo ng kamusmusan.
"Bakit maganda sa lugar niyo Pong?"
"Sa aming lugar ay nagkakaisa ang lahat, ang namumuno ay patas at walang korupsiyon."
"Anong korupsiyon?"
"Iyon ay ang pagnanakaw ng isang bagay na nakalaan sa para sa lahat, ito ay kakamkamin niya ng pansarili lamang."
"Ay ganoon ba iyon?"
"Oo, pamana na ng mga kastila ang ganoong pamamaraan noong kayo ay nasasakupan pa nila."
"Talaga!!!"
"Kung ako sa iyo dito ka na manirahan," alok ni Pong.
"Ayoko e, ang Inay at Itay ko hahanapin nila ako."
"Di ka nila hahanapin kasi busy lagi sila sa trabaho nila at si Lola mo lang ang umaasikaso sa iyo."
Umiyak si Salome. Ayaw niyang iwanan ang daigdig na kinagisnan. Inamo siya ni Pong.
"Sige di kita pipilitin pero payagan mo akong bisitahin ka lagi minsan isang linggo at baka magbago rin ang isip mo."
"Oo ganon na lang siguro."
"Alam mo Salome nabighani ako sa iyong kagandahan, gusto sana kitang makaisang dibdib at ipakilala sa aking amang hari."
"Di tayo bagay Pong maliit ka e."
"Di hadlang iyon magiging maligaya ka sa piling ko pangako."
"Tatlong beses pa lang tayo magkakilala gusto muna ako," wika ni Salome.
"Oo Salome, nabihag mo ang aking puso."
"Pag-iisipan ko pa Pong, hatid muna ako sa amin."
Hinatid ni Pong si Salome. Dumaan sila sa napakaliwanag na lagusan at pagkadaka'y dumilim. Dumilat si Salome.
"Diyos, salamt po!" sigaw ng ina ni Salome.
"Nurse, tawagin mo ang Doktor, dumilat at nagkamalay na ang anak ko," wika ng tatay ng bata.
"That's a good sign, wala na ang comatose ng anak niyo, ligta s na siya," wika ng Doktor.
"Inay! kumusta po kayo?"
Niyakap ng ina ang anak.
"Alam mo bang isang linggo kang nasa ospital anak wala kang malay. Nakita ka namin na nakahandusay sa kabilang bakuran malapit sa punso."
Ipinaliwanag ng bata ang nangyari sa kaniya na tatlong beses na niyang nakausap ang duwendeng si Pong. Umakyat siya isang araw sa tatlong piye na punso at nadulas at gumulong. Nabagok siya sa lupa at nawalan ng malay.
Iniwan na nila ang lugar na iyon at ibinenta ng ama ni salome ang kanilang lupa at bahay. Lumipat sila sa siudad na malayo sa rural na lugar.
Isang araw sa dating lugar nila Salome ay tinibag ng isang magsasaka ang nasabing punso.
"Kaya pala napakaraming anay sa bahay na nabili ko e ito ang bahay nila."
Pinatag nito ang lugar at tinaniman ng mais.

Source : MaiklingKwento.blogspot.ph
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento