Mga Kakaibang Nilalang sa Pilipinas

Hindi lamang ang mga Griyego at Romano ang may mga kakaibang nilalang. Meron din ang Pilipinas! Marahil, noong bata pa tayo, bawat isa sa atin ay may mga kwento na'ng narinig mula sa ating mga lolo at lola tungkol sa mga kakaibang mga nilalang na ito.

Heto ang mga iilan sa mga Kakaibang Nilalang sa Pilipinas:


Bungisngis
Isang mapaglaro higante at masayahing nilalang na may iisang mata lamang. Sa may hilagang parte ng Davao, ito ay tinatawag na "Mahentoy"




Aswang
nilalang na nag-iibang anyo sa gabi at nag-aanyong tao sa umaga. Kumakain sila
ng tao at maaaring mag-anyong hayop.


Bakunawa
Ang Bakunawa o Baconaua o Bakonawa ay isang uri ng maalamat na nilalang. Kalahti dragon, kalahati ahas or serpeyente, lumilitaw ang pangalan nito kapag may eclipse. Sinasabing kinakain nito ang araw o ang buwan kaya tao nagkakaroon ng solar or lunar eclipse. At para mailuwa ng Bakunawa ang nakaing buwan o araw, nag-iingay ang mga tao.


Bathala
Sa mga alamat ng paglikha, ang Bathala ay ang itinuturing Diyos o Panginoon o Apo.


Diwata o Enkanto
nilalang na nagbabantay sa kalikasan at karaniwang may katawan ng
tao. Sinasabing nang-aakit sila ng mga binata at dalaga upang gawin nilang asawa.


Ekek
Isang taong may pakpak na parang paniki at gumagala sa gabi para humanap ng biktima. Kumakain ito ng tao at sumisipsip ng dugo. "Ek-ek... ek-ek!" Ito ang maririning ng huni o tinig mula sa nilalang na ito. Sinasabing kapag malakas ang naririnig na huni, ito'y nasa malayo pa. Ngunit, pag mahinang-mahinang tinig ang maririnig, sinasabing nasa tapat na ng bahay mo ang Ek-ek.


Kapre
higanteng nilalang na mahilig manabako at nakatira sa malalaking puno. Mahilig
itong maglaro sa mga bata.


Malakas at Maganda
-


Manananggal
nilalang na napuputol ang katawan at nagkakaroon ng pakpak. Mula sa
bubong, hinihigop ng kanilang mahabang dila ang mga sanggol ng buntis.


Manaul
-

Mangkukulam o Mambabarang
mga nilalang na karaniwang matatandang babae na nagpapahirap sa isang tao. Ang mambabarang ay nagpapalabas ng mga insekto sa katawan ng isang tao. Ang mangkukulam naman ay sinasaktan o binabago ang anyo ng isang tao.


Mariang Makiling
-


Minukawa
Tulad ng bakunawa, ang Minukawa o Minocaua o Minokawa, ay isang napakalaking nilalang na kalahati-dragon, kalahi-ibon! Kasing laki daw ito nga isang buong isla at ang balihibo nito ay kasing talas ng espada. Sa ibat-ibang parti ng Pilipinas, sa halip na bakunawa, ang Minkunawa daw ang sanhi ng pagkakaroon ng eclipse.


Multo
Ang multo o "ghost" ay ang kaluluwa ng mga namatay na pero hindi pa tuluyang naka-akyat sa langit.


Nuno sa Punso at Duwende
mga maliliit na nilalang na nagbibigay ng suwerte o malas sa
tao. Nakatira sa isang nuno o tumbok ng lupa ang nuno sa punso.


Pasatsat
-

Santelmo
Ang Santelmo or Santo Elmo ay isang bolang apoy na humahabol ng tao. Maraming Pinoy na ang nakakakita ng santelmo lalong-lalo na iyong mga nakatira sa bulubunduking nga Sierra Madre.


Sarangay
-


Sarimanok
-

Sirena at Siyokoy
mga nilalang na may katawan ng tao at buntot ng isda. Nakatira sila sa ilalim ng karagatan at nang-aakit sila ng mga mangingisda.


Tikbalang
kalahating tao at kabayo. Mahilig itong maghanap ng mga dalaga upang gawing
asawa.


Tiyanak o Impakto
sanggol na hindi nabinyagan at kumakain ng laman ng tao. Nagpapanggap silang inabandonang sanggol na umiiyak.


Wakwak
Ang wakwak ay isang ibong gumagala sa gabi nga karimlan. Ito ay alaga ng isang Mangkukulam. Dahil sa itoĆ½ nakakalipad, nanghuhuli at kumakain din ng tao. Hindi nga lang "hati" ang katawan nito tulad ng mananangal. At tulad ng Ek-ek, gumagawa din ito ng tunog o huni ( "wak! wak! wak!) na may halong pagaspas ng pakpak.


Mga Kakaibang Nilalang sa Pilipinas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento