Sa Piling Ng Mga Oso

Sa isang dalampasigan napadpad ang dalawang dikya para sa kanilang ikapitong anibersaryo ng kasal. Dito nila isinagawa ang kanilang pagpupulot-gata.

Halinhing dito, halinhing doon. Patunay lang na silang dalawa ay tunay na nagmamahalan.

Alingawngaw mula sa dalawang dikya ang nananaig sa buong dalampasigan kasabay ng pag-alon ng tubig.


Maya-maya …

Nasobrahan sa pwersa ang lalaking dikya na ang tanging adhika lamang ay magpakarami, at sya namang paglabas ng likidong tulad ng pulot-pukyutan.

Isang hugot pabalik ang kanyang ginawa ngunit napakalakas ng presyon, tumalsik sa malayo ang dikya na nangangalumata.

Sa kasamaang palad, sumakto ang dikya sa kuyukot ng isang oso habang ito ay dumudumi sa kakahuyan. Ang dikya ay nanikit ng pagkahigpit-higpit habang ang oso’y namimilipit.

Nagsilabasan ang mga oso mula sa yungib at nakita ang sitwasyon ng Osong nabibilang sa pamilya ng mga maharlika. Lalong ninerbyos ang dikya.

Tumawag ng banal na unggoy ang mga oso para gawan ng paraan ang disgrasya. Sinumulan ang ritwal sa pamamagitan ng dasal: Luwalhati sa Ama, sa anak, at sa espiritu santo, amen.

Walang nangyari. Naghanap sila ng mananganggal at una nilang naisip ay ang malamyang hipuputamus.

Nagtawanan ang karamihan dahil ang hipuputamus sa kakakahuyan daw ay manananggal lamang ng lakas, hindi ng dikyang nakadikit sa oso.

Marami na silang ginawang paraan.

Ipinakalmot sa tigre, ipinawasiwas sa elepante, at ipinahimod pa sa malanding bayawak.

Ang oso ay nakaramdam na ng lugami na tila wala ng natitirang pag-asa. Hindi dapat nangyari sa kanya ito kung hindi sya dumumi sa labas ng yungib.

Nabasag ang katahimikan dahil sa panibugho ng isang oso na nais din magtaglay ng dikya sa kuyukot. Tinamaan ng pagkainggit.

Hanggang sa nagsunuran na ang lahat sa pagnanais makamit ang ganoong estado. Lahat gustong maging bida.

Nagkagulo. Mayroong tadyakan, uluhan, balyahan, hatakan ng bangs, hanggang sa may isang nakapaghiwalay ng dikya sa kuyukot ng oso.

Biglang tumigil ang paligid at tumahimik. Nagkatinginan ang lahat. Natanggal na ang dikya ngunit nag-iwan ito ng peklat.

Nagkaroon ng masigabong pag-iingay at ang osong nakatanggal ng dikya ay idinikit naman ito sa sariling kuyukot.

Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang sya ang kampyon.

Kawawang Dikya.


Sa Piling Ng Mga Oso
Pabula

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento