“Masaya ako sa buhay natin, hindi tayo kinakapos at hindi rin tayo sumasala sa oras” wika ni palaka.
“Hayaan mo at lalo akong magsisikap. Alam mo naming sa bayan ng mga palaka ay ako ang pinakamagaling at hinahangaan” ang mayabang na wika ng amang palaka.
Biglang dumating ang kanilang mga anak galing sa paglalaro, “ama, ina may nakita kaming higante!” humihingal na balita ng panganay.
“Ano ang itsura?” usisa ng ama. “maitim po at may sungay! Kahanga-hanha po siya!” sabay-sabay na wika ng lima.
Hindi makapayag ang amang palaka na may higit pa sa kanya. “Ipakikita ko sa inyo kung sino ang higante sa amin”. Agad nitong pinalaki ang katawan. “Ganito ba siya kalaki?” Malaki pa po diyan”, sagot ng lima. Huminga ng malalim ang ama. Humigop siya ng humigop ng hangin ngunit mas malaki pa rin daw ang higanteng nakita ng kanyang mga anak. Hindi siya tumigil nang kahihigop ng hangin hanggang tuluyan siyang sumabog at namatay.
Aral : Ang labis na tiwala sa sarili, walang hahantungang mabuti.

Ang Palaka at ang Kalabaw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento