Noong unang panahon may isang mangangasong nagngangalang Dangkaw. Napakarami ang nakakilala sa kanya dahil sa kanyang kahusayan sa paghuhuli ng iba't-ibang hayop sa kagubatan. Walang sinuman ang makakahigit sa kanya sa pangangaso at sa pag-uwi ng maraming huling hayop.
Isang araw muli siyang nangaso sa kagubatan. Nakakita siya ng usa at binaril niya ito. Nang kukunin na niya ang napatay na usa, biglang lumitaw ang isang magandang babae na ang diwata sa kagubatan. Galit nag alit ito kay Dangkaw dahil pinatay niya ang usa. Sinabi nitong dapat parusahan si Dangkaw. bIlang Parusa, mananatili at maninirahan siya sa kagubatan at iiwan niya ang kanyang pamilya. Si Dangkaw ay sinamahan pauwi ng hindi nakikitang diwata.Ipinaliwanag ni Dangkaw sa kanyang asawa ang nangyari at siya ay nagpaalam upang sa kagubatan manirahan. Nagbalik siya sa kagubatan kasama ang diwata at sinabi nito kay Dangkaw na dapat itong manatili sa kagubatan habang panahon upang pangalagaan ang mga hayop doon.
Sinabi ng mga tao na kapag may mga mangangaso na nagtungo sa kagubatan at nakarinig sila ng sigaw, wala na silang nahuhuling hayop. Hanggang sa kasalukuyan sinabi ng mga mangangaso na kapag nakarinig sila ng sigaw habang sila ay nangangaso wala silang nahuhuling kahit anong hayop. Iniisip nilang patuloy na binabantayan ni Dangkaw ang kagubatan ang mga hayop doon.

Ang Alamat ng Dangkaw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento