Eroplanong Papel (Isang Kwento ng Pagmamahal…)
Jeffrey "Dyeppri" Valencia Agon
(Maikling Kwento)
May halos pitong taon din ng huli kaming magkausap ni Rodrigo.
Rodrigo: “Pare kumusta na? May balita ka pa ba kay Mitch?”
Ako: “OO, nagbalik na sya sa atin. Ikaw nga din ang hinanap sa akin ng una kaming magkita. Sabi ko nasa Dubai ka na pare at wala na akong balita sayo. Mali ang inakala natin kay Mitch at palagay ko ikaw talaga ang mahal nya.”
At naputol duon ang linya. Naisip ko baka naubusan ng load si pare kasi mahal ang tawag sa abroad…
“Binigla mo naman ako Rodrigo.Noong isang lingo kausap lang kita sa phone at ngayon sinusundo na kita sa Airport. Ano ba yang hawak mo? Huwag mong sabihin itinago mo pa din yan sa loob ng 10 taon?“. Sunod-sunod na usisa ko.
“OO pare, alam mo naman bata pa tayo ay mahal ko na si Michelle…” seryosong sagot ni Rodrigo na nagpanumbalik ng ala-ala nang kabataan naming tatlo.
Magkakabata kaming tatlo ni Rodrigo, Michelle at ako. Higit pa sa magkakapatid ang turingan namin simula pa noon. Pero syempre may pagkakaiba din lalo na sa mga pangarap namin.
Maging doctor ang pangarap ko ng makatulong sa bayan ko dahil alam ko ang hirap kapag nagkasakit sa lugar namin. May tatlong oras ang biyahe papuntang ospital ng Lucena. Mahirap din ang sakripisyo sa pag-aaral ko lalo na ng malipat ako sa Manila kasi di ako sanay sa buhay duon.Mahal din ang gastos pero nakayanan ko din sa tulong ng mga magulang at malalapit na kamag-anakan ko.
Si Rodrigo naman ang pangarap ay ang makapagtrabaho agad kaya di na tinapos ang kolehiyo at sumama na sa Tiyo Asyong nya na mamasukan sa isang mayamang intsik. Naka dalawang taon lang sya sa Engineering nya. Sayang nga eh. Pero alam ko masaya sya sa desisyon nya.
Si Mchelle naman ganito ang pagkakaalam namin ni Rodrigo.
“BestFriend tara duon sa itaas ng Grand Stand kasi papaliparin ko ang eroplanong papel ko.” Michelle.
Ako: Bakit kelangan pa doon?”
Mitch:” Kasi lahat ng kahilingan ko ay nakasulat dito at baka marating nito ang pinto ng langit.”
Ako: “Ayan sa taas ng pagkakalipad noon sigurado naabot nya na ang nais nyang marating.”
Hindi namin alam sumunod pala si Rodrigo at sya ang nakakuha sa ibaba ng sulat ni Michelle. Pinabasa sa akin ni Rodrigo ang kapiraso nito.
“Pagod na po akong maging mahirap…Ayaw ko na po ng ganitong buhay.
Tulungan nyo po maahon sa kahirapan ang pamilya ko. Mahal ko po ang aking mga magulang at mga kapatid ko. Ako lang po ang pag-asa nila, Mayaman lang po ang gusto kong maging asawa o huwag na lang po. Sana maintindihan nyo po ako. Michelle”
Ganoon nga si Michelle. Tuwing naglalaro kami ay gusto nyang maging papel ay isang donya o senorita.”Hoy, mga katulong ko lang kayo kaya bawal ang tatamad-tamad. Sige linisin mo yang mga plato-plato natin.” Ani nito.
Minsan may bagong lipat sa kabilang baryo. “Halika na Michelle, uwi na tayo.” Paki-usap ko.
“Ma-una ka na nga at dito lang kami ni Rodrigo. Sasamahan nya ako na antayin yung crush ko sa malaking bahay na ito.’Di man sya ka-gwapuhan ay ang yaman-yaman naman nila. Sana maging mag-kaibigan din kami noh.” Sagot ni Michelle habang lumilipad ang isipan.
Nang mag-second year high-school na kaming tatlo ay lumipat na sa Maynila ang pamilya ni Michelle. Hindi na namin sya muling nakita at wala ng balita sa kanya maliban sa bihirang sulat nito. Ipinaalam nya na nahinto na sya sa pag-aaral duon dahil masmahirap pa pala ang buhay nila duon. Libre man sila ng tirahan at pagkain sa bahay ng amo ng magulang nya ay malayo naman ang school duon. Nag-waitress na lamang daw sya at nag-aaral magsayaw at baka makapag-Japan sya. Sabagay may itsura naman si Michelle at maganda ang hubog ng pangangatwan. Sigurado pasok sya duon.
Pwede pa makabingwit ng Hapon na tutupad sa mga pangarap nya. Instant Jackpot ika nga…
Sa mga nababalitaan namin ni Rodrigo tungkol kay Michelle ay lubos na ikinalulungkot nito. Minsan ay nakakaapekto din sa pag-aaral nya. Pero ako sabi ko lang sa sarili ko ay “siguro ay masaya naman din ang friend namin at matalino din naman ito na magdesisyon sa sarili nya.”
Makalipas ang 9 na taon, 1998 nuon at bumalik sa bayan namin si Michelle. Unay di ko sya nakilala. Simple lang ito hindi tulad ng inaasan ko na “borgis” pero maganda pa din siya. Isang dalagang pinay ika nga. Di naman pala sya natuloy papuntang Japan kasi namatay ang ama nito. Mahirap man ang naging buhay nya pero nakayanan naman nila. Hindi na din daw sya umaasa na yayaman pa. Okey na din daw simpleng buhay basta nakakaraos sila araw-araw ng mga kapatid nya. Natuto na din daw sya na ang pagmamahalan ang higit na mahalaga.
Rodrigo: ” Pare bakit natulala ka dyan?”
Ako: “ Anong ba nangyari sa’yo bigla ka nawala at ngayon biagla ka sumulpot ha?”
Rodrigo: “Kasi may mga pangarap ako na nais kong tuparin! Ganito..
Sumama ako kay Efren na mag-Dubai 6 years ago. Naging assistant electrician ako ng isang British Engineer. Nag-ipon habang nagtratrabaho at sinabay ko na din ang pag-aaral dahil mabait naman ang manager ko. Pinayagan nya din ako ituloy ko ang engineering course ko sa London sa kondisyon na sa kanya ako magtratrabaho pagkagraduate. Ginawa din akong supervisor ng maging ganap na Engineer na.
Nagawa ko ang lahat ng ito dahil sa eroplanong papel ni Michelle. Gusto kong tuparin ang mga pangarap nya na ikakatupad din ng pangarap ko na ”maging mabuting asawa nya”. Sa bawat patak ng luha nya ay gumuguhit sa puso ko at nagiging sandigan ko naman upang maniwala at magsikap na kaya ko.Mahal na mahal ko s’ya simula noon pa. Sa tulong ng Diyos ay matutupad na ang lahat…
Bilisan mo na ang pagmamaneho pare… Kung bakit kasi hindi mo pa sinama si Mitch…
Sakyan na lang kaya natin ang eroplanong papel mo ng mapabilis tayo…hehehe…

Eroplanong Papel
(Isang Kwento ng Pagmamahal…)
Jeffrey "Dyeppri" Valencia Agon
(Maikling Kwento)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento