Alay sa mga Inang OFW
Jeffrey "Dyeppri" Valencia Agon
(Maikling Kwento)
“Inay kayo na po ang bahala sa anak ko ha.”
Bilin ko habang inaabot ang anim na buwang sangol sa aking ina. Tumutulo ang luha at napakabigat ng kanyang kalooban ng mga sandaling iyon. Nais kong patigilin kahit ilang minuto pa ang takbo ng oras upang makasama pa ang pinakamamahal kong anak ngunit patuloy kong naririnig sa malakas na speaker ang makulit na pagtawag sa flight ko.
“Paging flight 344 bound to Dubai. All passangers please be ready in 30 minutes.”
“Sige na Thea at ako na ang bahala kay Junior. Hindi ko siya pababayaan at parati akong tatawag sa inyong mag-asawa.” naluluha ring sabi ng aking ina
Napakabigat ng paa ko sa paghakbang papalayo. Ayaw kong sumulyap muli sa kanila dahil natatakot akong baka hindi ko na kayanin at hindi na ako sumakay pa sa eroplano.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kakaibang takot na nagpapalamig at nagpapahina sa payatot kong katawan. Dinaig pa nito ang naramdaman ko sa pagpanaw ng aking Ama noong nakaraang taon at daig din nito ng iwan kami ng aking asawa noong nakaraang anim na buwan upang tumungo sa pupuntahan ko ngayon. Pinilit ko na lamang pasayahin ang sarili ko sa pag-iisip na muli kaming magkakasama ng aking mahal na asawa.
Napakagulo sa Airport at siksikan sa dami ng mga kababayang gustong umalis. Napansin ko na ang iba ay nakukuha pa ang magtawanan. Marahil ay pang-ilang beses na nilang naranasan ang nararamdaman ko sa kasalukuyan, ang iwan ang anak sa piling ng ibang tao. Napahagulgol na muli ako habang nakapila sa check-in counter ng makita ko ang isang inang hawak ang sanggol niya. Hindi ko inalintana ang kahihiyan kung may nakakakita man sa aking ibang tao. Kakaibang inggit ang naramdaman ko at nagpatayo sa balahibo ko. Sana ay maisama ko rin si Junior sa susunod kong pag-alis.
“Miss ayos ka lang ba? First Timer ka siguro ano? Halika at sumabay ka na sa akin upang maymakausap ka at mahaba pa ang biyahe.” sabi ng matandang babae na kasunod ko sa pila
“Ang hirap po pala ng ganito.” matipid kong sagot sa kanya
“Ganyan lang ‘yan. Isipin mo na lamang na para ito sa anak mo.” at duon ay medyo nabawasan na ang kalungkutang nararamdaman ko
May isang oras din ang pag-iintay sa lobby at humaba ang kwentuhan namin ni Aling Belen. Pabalik-balik na daw siya sa Dubai at nagtratrabaho bilang cook sa isang mayamang arabo duon. Normal na raw ang iwanan niya ang mga anak kasama ang asawa nito. Mas gusto pa nga daw niya na nasa abroad siya dahil hindi nakikita ang batugang asawa nito na walang ginawa kundi ang maglasing at kung minsan pa ay pinagbubuhatan pa siya ng kamay. Kung hindi nga lamang daw sa mga anak nito na nasa high school na at kolehiyo ay hindi na siya uuwi pa sa pilipinas.
Ayos din naman ang kadaldalan ni Aling Belen at hindi ko na namalayan ay sasakay na kami sa eroplano. Siyam na oras ang biyahe sa Emirates Airlines. Minabuti ng aking asawa na direct flight ang kunin kahit medyo mataas ang presyo dahil alam niyang mahina ang loob ko kasi iyakin daw ako. Sabagay sa panonood lang ng mga pelikula ni Juday at Piolo ay basang-basa na talaga ng luha ang panyo kong hawak-hawak.
Nagrequest na rin si Aling Belen sa flight stewardess na pagtabihin na lang kami at dinahilan nito na nahihilo raw ako kanina. Natuwa na rin ako at laking pasasalamat ko sa kanya. Napakatagal ng biyahe para sa akin lalo’t tinulugan pa ako ni Aling Belen. Hindi naman ako dalawin ng antok. Paikot-ikot ako sa masikip na upuan at tinaas-baba ko narin ang sandalan ngunit wala talaga kaya’t minabuti ko na lamang makinig sa ingay ng radyo sa eroplano. Masmabuti na iyon kesa sa lakas ng hilik ng mga katabi ko na parang isang buwan yatang hindi natulog at sinulit ang bakasyon nila sa Pilipinas.
Napansin ko na iilan lamang kaming gising ng pumunta ako sa CR. Malamang ay katulad ko rin silang first timer mag-abroad kaya’t namumugto din ang mga mata at halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Bakit kasi naging mahirap pa ang ating bansa? Paninisi ko sa gobyerno. Sana wala na lamang corruption at wala na ring inang iiwan pa ang anak nito.
Ilang minuto na lamang ay pa landing na ang eroplano ng…
“Thea…Hoy, tulala ka pa riyan. Ano nanaman iyan at nalulungkot ka pa rin?! Dapat masaya ka na dahil makikita mo na ang anak mo.”
Ano nanaman nga bang takot itong nararamdaman ko at tulala na naman ako? Inaalala ang mga nakaraan nang iwanan ko si Junior kay inay ng may apat na taon na ang nakararaan. Napakaraming agam-agam ngayon sa dib-dib ko. Napakaraming takot tulad ng makikilala kaya ako ng anak ko. Siguradong hindi dahil ni magsalita noon ay hindi pa niya kaya pero ngayon ay marunong na daw magmura. Madalas ngang mapagalitan daw ni inay dahil kung kani-kanino natututunan ang ganoong salita. Takot talaga ako at baka iyong pagmumurang iyon ang isalubong sa akin. Baka sumbatan niya ako sa pag-iwan namin sa kanya ng kanyang ama. Hindi naman namin ginusto ito at sana ay maunawaan agad niya ito dahil dadalawang linggo lamang ang binigay ng employer ko para na bakasyon para siya makasama. Kulang talaga ito. Kulang na kulang…
Maraming mga kaibigan ko ang nagsabi na hayaan ko lamang daw muna ang anak ko na maglaro at huwag kibuin kapag nagkita kami. Makakaya ko ba iyon samantalang apat na taon akong nanabik na mayakap siya.? Bahala na. Yayakapin ko pa rin siya kahit na magwala pa siya sa braso ko o suntukin niya ako o murahin niya ako, ang mahalaga ay maramdaman niyang mahal na mahal ko siya.
“Halika na at ayun sila inay.” sabi ni June na mababakas ang kagalakan sa mukha nito
Ganoon na naman ang nararamdaman ko. Hindi ko maihakbang ang parang naninigas at nanghihinang mga paa. Sinisipat ko sa malayo ang mga batang malapit kay inay. Sino kaya sa kanila ang anak ko? Iyon kayang medyo mataba at maputi o iyong maliit at payatot na bata. Dumadagundong ang bawat tibok sapuso ko. Gumuguhit ang dugong dumadaloy sa nanlalamig kong katawan. Hindi ko mawari kung sino sa kanila kahit pa madalas ko siyang maka-chat sa internet. Iba pala talaga kapag personal na. Sino ba sa kanila? at…
May humila sa mahaba kong bistida ng mapalapit na ako kay inay…
“Ikaw ba ang mommy ko?” tanong ng mataba at maputing bata
Tuluyan na namang kumawala sa mata ko ang kanina pa nagbabadyang pagtulo ng luha. Nakilala niya ako at niyakap ko siya ng napakatagal at napakahigpit. Kung maaari lang ay ayaw ko na siyang bitiwan pa sa mga braso ko ngunit nagpilit nga siyang makawala sa akin at nagsabi ng..,
“Mommy gutom na po ako…tara na at kain tayo sa Jollibee…”
“OO, anak kahit saan mo gusto kumain ay sasamahan ka ng mommy mo.”
_____________________________
Note:
Alay ko po ito sa mahal kong asawa( at sa mga ina rin na OFW) … sa muli nilang pagkikita bukas ng umaga pagkatapos ng apat na taon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento