Alamat ng Sibuyas
Noong unang panahon sa isang kaharian ay meroon isang naninirahang napakagandang dalaga siya ay si maningning. Ang kanyang mga mata,y parang bituin sa langit na nagniningning, ang kanyang kutis ay mala-porselana, ang mahubog niyang katawan at ang agaw pansin niyang mahabang buhok. Dahil sa kanyang katangian ay maraming kalalakihan ang nabibighani sa kanya. At itinuturing siyang diyosa sa kanilang bayan.
Ngunit sa kabila ng kanyang magandang anyo ay meron siyang ugaling di kanais nais. Dahil nga sa siya ay napakaganda naisip niya na dapat ay ang kanyang mapapangasawa ay isang matipuno at gwapong lalaki na dugong maharlika. Maramng lalaki ang sumubok na paibigin ang dalaga ngunit sila’y umuwing luhaan.
Hanggang isang ara ay meroong isang dayo na nanligaw kay maningning isa siyang matipuno at gwapong lalaki ngunit sila’y simpleng mamamayan lamang. Sa sobrang pagmamahal niya ay napilitang magsinungaling ang binata sa dalaga at sinabing sya’y nagmula sa maharlikang angkan. Hindi nagtagal napasagot niya si Maningning. Nagmahalan sila ng matagal na panahon.
Hanggang sa napansin ng dalaga na hindi siya pinakikilala ng binata sa kanyang pamilya. Naubusan ng dahilan ang binata hanggang sa isang araw nagpasyang ipagtapat ng binata ang tunay niyang estado ng buhay. Nagalit si maningning at iniwan ang binata. Sinabi niyang hindi sapat ang kanyang kaligayahan hanggat walang kayamanan, na hindi niya kayang mabuhay ng simple. At lubos na dinamdam ng binata ang pag-iwan ng dalaga. At bumalik ito sa kanyang ina’ng lumuluha.
Sa kabilang banda nagkaroon ng muli ng manliligaw ang dalaga na isang prinsipe, at sila’y nagpakasal.
Samantalang ang kanyang binatang pinaluha ay namnatay dahil sa sobrang kalungkutan. Dahil sa nangyari ay lubos ang galit ng Ina sa dalaga at nagpasya itong maghiganti. Nakaramdam ng panghihina ang dalaga hanggang sa ito’y maging isang ganap na “sibuyas”. Inisip na mangkukulang na karapatdapat siyang magdusa at hindi dapat masaya kaya ito’y kanyang isinumpa.
Alamat ng Sibuyas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento