Sana sa Pasko… (Ni Mona Alcones)

Tula:     Sana sa Pasko…
Ni Mona Alcones
Sana sa Pasko tayo ay magbigayan
Lalo na sa may mga kapansanan
Pati na doon sa mga nasunugan
Sa mga ulila’t walang matirahan

Sana sa Pasko iwasan na’ng awayan
Tayo’y magkaroon ng kapayapaan
Ipaghari natin ang kabutihan
At ang kasamaan ay ating iwasan

Sana sa Pasko tayo ay magsaya
Sa bawat isa ay ating ipadama
Sa bata man o maging sa matanda
Na’ng bawat isa sa Diyos ay mahalaga

Sana sa Pasko lahat ay sama-sama
At hindi malayo sa bawat pamilya
Makasama lang sila sa Noche Buena
Pasko nila’y magiging masaya na


Sana sa Pasko…
Ni Mona Alcones
Tula

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento