Nakatikim na ba kayo ng Makapuno? Nakakita na ba kayo sa sari-saring gamit nito?
Kung naranasan na ninyo kahit ang epekto nito ay dapat ninyong ipagmalaki ang kagalingan ng pagigiing pinoy, dahil may iilang pinoy ay nagmakahirap upang makuha natin ito.
Ang makapuno ay isang uri ng palm nut o buko na galling sa pilipinas. Sa ngayon ang makapuno ay ginagamit sa sari saring matatamis na pagkain katulad ng ice confectionary at cakes. Ito din ay pinag iintrisan ng pharmaceutical companies bilang raw material para sa neutriceuticals, isang uri ng supplement na nangagaling sa organic sources. Ito din ay ginagamit dahil sa taglay nitong galactumanan, isang uri ng cellulose, para sa insulator ng mga mirochips at medicine capsules.
Ang makapuno ay ibinubunga lamang ng Laguna tall coconut variety na nahahanap lamang sa Southern Tagalog region. At ito din ay tinuring na delicacy ng mga Tagalog.
Ito’y ibinubunga ng mga puno kasama pa ng marami pang bungang palm nuts na di makapuno, ang mga balay bay na itoy tinatawag na kabuwig. Iilan lamang sa mga bungang ay magiging makapuno. Ito ay dahil ang makapuno ay sanhi ng isang resessive gene na nagiging aktibo lamang sa iilang nuts. At dahil ang endosperm ng makapuno na dapat ay nagbibigay ng pagkain sa embryo ng halaman ay gelatinous, hindi nasustentuhan ang embryo, kung kayat noong una ay walang punong nagbubunga ng purong makapuno ay nabubuhay. Dahil din sa endosperm na halos napupuno ang buong nut ito ay tinawag ng makapuno. Panunuya talaga na ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng makapuno ay siyang din dahilan kung bakit kulang kulang ang mga ito. Kung kayat tinatanim ang mga punong namumunga ng makapuno kasama ng mga di namumunga para sa pagasang mamunga din ang mga ito ng makapuno ngunit hindi nito matugunan ang kakulang. Ito ay hanggang dumating Si Emerita V de Guzman at iba pang sayentipiko na nagdevelop ng makapuno.
Si Emerita V. de Guzman, isang propessor sa University of the Philippines, Los Banos siya at iba pang sayentipikong sumunod sa mga yabag niya ang siyang nakahanap ng paraan kung paano pararamihin ang maibebenta sa market na makapuno. Siya kasama ng kanayang grupo noong 1960-1975, halos 15 years ay nagawang buhayin ang mga purong makapuno sa pamamagitan ng pagkuha ng mga embryo mula sa nut at pagbuhay nito sa pamamagitan ng nutrient medium na likido. Kapag itoy lumaki laki na inilipat naman ito sa solid medium. Ang mga palms na nabubuhay mismo sa makapuno seedlings ay halos nagbubunga lahat ng makapuno nuts. Dahilan dito mas natugunan nito ang kakulangan ng makapuno. Hindi lamang iyan, sinundan pa ito ng mga taong katulad ni Erlinda Paje-Rillo at iba pa para mapaunlad ang pagpaparami ng makapuno.
Dahil dito malaki ang maiidulot nito sa ekonomiya ng bansa bilang isa sa mga exports nito at pagbenta nito sa loob ng sarili nating bayan. Itoy hanap hanap ng mga kompanya tulad ng CP Multi-Commodites Corp, Dalisay Foods, Standfod Corp., Selecta and Nestle Magnolia. Hindi lamang iyang dahil sa mga magagandang idinudulot ng makapuno ito rin ay hinahanp din sa iba pang bansa.
Ngunit sablay sa mga panggarap ng mga researcher, hindi masyadong ginagamit ng pilipinas ang panibagong paraan na kanilang natuklasan. Ito ay sa dahilan na ang ibang mga bayan ay ginamit ang teknolohiyang natuklasan ng ating mga kababayan upang makatanim ng kanilang sariling makapuno katulad ng mga bansang Thailand, habang kulang ng supporta ang research para sa makapuno mula sa ating bayan at pamahalaan. Hindi naman masyadon masama dahil ang pag bunga nga puno ay matagal kung kayat matagal para ang paghihintay bago mamumunga. Ngunit tama na ba itong dahilan para di nating supportahan ang pagbuhay at pagunlad ng industriyang makapuno sa ating bayan. Sayang talaga ang imbensyon dahil kakapranggot ng pangangailangan ng makapuno ay siyang natutugunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento