Ito ang mga alam ko'ng iilan sa mga Pamahin ng mga Pinoy na nagpasalin-salin na mula pa sa ating mga ninuno. Tutoo man ang mga ito o hindi, ang tanong ay... naniniwala ka ba?
Ang pagkatok sa kahit anong anyo ng kahoy upang hindi magkatotoo ang bagay na nasabi.
Halimbawa nasabi na "Baka mamatay na si Kuting," pagkatapos nais kontrahin ito o bawiin upang hindi mangyari, kakatok sa kahoy upang hindi magkatotoo. Ayon kay Dr. Ellis Parker, isang Sociologist sa Princeton University ang ganitong pag-iisip ay nagmula pa sa Western America noong 1500's. Isang paniniwala na ang kahoy ay nakaka-absorb ng mga masasamang energy kung kaya kapag may gustong i-divert na masamang energy ikatok mo ito sa kahoy upang ang kahoy ang sumalo nito.
Huwag i-distort ang mukha baka maihipan ng hangin
Kapag dini-distort daw ang kahit anung parte ng mukha maaaring maging permanente ito kapag naihipan ng hangin. Ayon sa medical explanation ng "Book of Facts" ni Dr. W.H Teinre, masama ang paglaru-laruan ang kahit anong parte ng mukha lalo na kapag pinatagal ito dahil maaaring ma-strain ang mga nerves ng mukha at magkaroon ng komplikasyon. Katulad na lamang ng pagdoling-doling ng mata nakakasama ito pero hindi maaring maging permanente katulad ng paniniwala natin na maiihipan ng masamang hangin.
Iikot ang plato kapag may aalis ng bahay
Ang pag-iikot ng plato kapag may kasama sa bahay na paalis ay ang magsisilbing gabay at maglalayo sa panganib sa paglalakbay ng taong paalis. Ang matandang pamahiin na ito ay sinasabing makapagiiba ng direksyon ng panganib na maaaring nag-aantay sa kanya sa daanan. Sinasabing ang plato ay nagsisilbing manibela ng kapalaran ng taong paalis.
Kapag makati ang palad, may dadating na pera
Ang paniniwalang ito ay nagmula pa raw sa Tsina ayon kay Mrs. Sta Maria, isang believer ng mga pamahiin na ito. Ang kanyang ina na purong Instik ang nagsabi na goodluck ang pahiwatig na ito. Bukod sa may relasyon ang pera sa kamay na humahawak nito, ay palad kapag makati ay nagiging mamula-mula. At ang kulay pula ay isang kulay na ang ibig sabihin ay swerte o grasya. Kaya ang pagkati ng palad ay hudyat ng pagpasok ng grasya.
Huwag magwawalis sa gabi, mawawalis ang swerte.
Isang paniniwala ng mga Pilipino na kapag ang gabi ay sumapit ang paglabas rin ng mga masasamang elemento ay gumagala sa paligid. Halimbawa na lang ay ang pagwalis ng dumi sa loob ng bahay sa gabi ay parang inilalabas mo na rin ang swerte sa iyong tahanan kung saan ang masasamang elemento ay naghihintay para makuha ito. Maaaring dito sumibol ang paniniwalang ito.
Kapag binatukan sa ulo, kakatukin pataas ang baba para bumalik sa dati ang utak
Kapag nabatukan o kaya ay naumpog ang ulo, isang paniniwala ang nagsasabi na dapat maibalik sa tamang puwesto ang utak, sa pamamagitan ng pagpalo pataas ng baba ito magagawa. Sa aming palagay ang paniniwalang ito ay maaaring naka-base sa isang medikal na aspeto. Pinapalagay na dahil sa komplikasyon na sanhi ng pagkauntog ng ulo ang utak ay naalaog. Para ma-counter ang pagka-displace nito dapat ibalik sa dati (sa pamamagitan ng pagpukpok ng baba pataas). Isang lohikal na eksplanasyon.
Huwag tanggalin sa daliri ng kaibigan ang singsing, magiging magkaaway
Ang singsing ay isang bagay na mahalaga at pag-aaring importante ng sino man ang nakasuot nito. Kapag may ibang tao na nagtanggal sa daliri ng may-ari nito, maaaring mainterpret ito na parang pag-trespass sa privacy ng may-ari nito o pag-violate sa may-ari. Maaari namang ang may-ari na lamang ang mag-alis nito sa kamay niya. Magsisimula pa ito ng away kapag basta na lamang kuhain sa kamay niya ito (lalo na kapag may sentimental value). Sa ganitong pagtingin ay maaaring magreulta sa pag-aaway ang magkaibigan dahil sa pakikialam ng singsing. Sa paliwanag na ito makikta na maaaring dito sumibol ang pamahiin na ito.
Kapag makati ang paa, ibig sabihin gusto maglakwatsa ng tao
Ang paa ay ang nagdadala sa atin kung saan natin nais pumunta, kaya kapag makati daw ang paa ng isang tao ang ibig sabihin nito ay gustong maglakwatsa. Kung titignan sa Pilipinong konteksto, lohikal ang pagbigay ng relasyon ng paa sa paglakwatsa. Maaaring dito nanggaling ang pamahiing ito.
Kapag may nabasag na picture frame o mirror may bad luck
Sinasabi na kahit anong anyo ng salamin ay repleksyon ng buhay ng tao, kapag ito ay nabasag na hindi sadya ay may simboyo na may mangyayaring masama dito. Halimbawa ang picture frame, sinisimbolo ang tao na nakadisplay ang picture doon, kapag ito ay nabasag ang ibig sabihin nito ay may masamang mangyayari sa tao. Maaaring madisgrasya o mamatay sa aksidente. Kapag ang mirror naman ang mabasag ang sinisimbolo nito ay panganib din. Mula sa ganitong simbolo, maaari natin din kinuha ang mga ganitong pangitain ng paniniwala.

Pamahiin ng mga Pinoy ... Naniniwala ka ba?
Pasasalamat : webng.com/girard
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento