Ang Alamat ng Magiting na Langgam sa Gubat

Gaya ng kahapon, ang kolonya ng mga langgam ay ganun pa rin. Naroon ang Reyna, ang mga kawal, at ang mga manggagawa. Gaya rin ng kahapon, ang lahat ay nagtutulong-tulong upang mapanatiling mayabong ang kolonya. Bawat isa ay nagpapaka-alipin para matuwa ang Reyna. Ang kapalit, magandang imahe ng Reyna sa ibang mga hayop sa gubat.

Panahon na naman ng salu-salo. Katulad noong isang linggo, ang bawat manggagawa ay bingyan ng isang buong butil ng bigas, bagamat ang bawat isa ay nakalikom ng katumbas ng limang sako. Masaya na rin ang mga maliliit na insekto, dahil kahit paano'y mayroon silang napagsasaluhan.

Kitang-kita ang ngiti sa mukha ng mga oso dahil sa inihandong ng Reynang isang kabang bigas. Agad-agad nya itong hinati at inihandog sa elepante at palaka. Ang palaka ang utusan ng tigre, and hari ng gubat.

Isang tanghali, si Otoy, isang manggagawang langgam, at ang kanyang mga kapwa manggagawa ay naatasang lumikom ng asukal sa kanlurang bahagi ng gubat. Habang sila'y naglalakad, namataan nila ang grupo ng ibang insekto na nagkakatuwaan.

"Maryoon na akong sapung supot ng pulot!siguradong matutuwa ang aking ina!", hiyaw ng isang bubuyog.

"Ako nama'y mayroong dalapung salop ng asukal!napakabait ng ating pinuno upang mamahagi ng dalampung salop!", ang sabi ng tipaklong.

Biglang napaisip si Otoy, kamut-kamot ang ulo na noo'y pawis na pawis sa sobrang pagod. "Bakit ako'y nabahagian lamang ng isang butil ganung ang kolonya'y nakalipon ng pagkarami-rami?"

Walang kamal-malay si Otoy na sa ibabang bahagi ng kolonya, ang kanyang mga kababata ay matagal na palang nagpupulong. Sila'y pangkat ng batang manggagawa na may pinakamalaking naibabahagi sa pagyabong ng kolonya.
Gabi-gabi, sa tuwing ang Reyna'y abala sa pakikipagusap sa mga hayop sa gubat, at ang mga kawal ay nagpapakabusog sa mga ani ng manggagawa, sila ay nagtitipon at naghahanada.

Ang pagpupulong ng mga manggagawa ay inabot ng ilang gabi, ilang linggo, ilang buwan.Di naglaon ay sumapi na rin si Otoy sa pangkat ng kanyang mga kababata.PAgkalipas ng taon, handa na silang kumilos.

Di naglaon ay nakarating din sa kaalamAn ng Reyna ang tungkol sa pinaplano ng mga manggagawa. Nabahala ang Reyna sa maaring mangyari kapag natuloy ang balak ng mga manggagawa. Alam ng Reyna na walang silbi ang matitirang mga langgam at mga kawal kung ikukumpara sa pangkat nila Otoy.

Nagngangalit na bumaba ng palasyo ang Reyna, kasama ang pinakamalaki nyang kawal at dalawang utusan. Walang pagkukubli nyang ipinamalas sa lahat ng langgam ang kanyang galit. Hindi maipagkakaila ang animo'y ugaling paslit na ipinakita ng tinitingalang Reyna. Noon di'y bumuka ang bibig ng laging tikom na kawal. Ang matahimik na kolonya ay nabulabog ng katotohanang matagal ng hindi binibigyang pansin.

Pagsapit ng umaga'y wala na si Otoy at ang ilan pang manggagawa sa kolonya. Kahit pa man, sila ay nagdalamhati sa paglisan sa kinalakhang tahanan. Ngunit buo ang kanilang loob sa pagsulong sa ikakaunlad ng bawat isa.

Nanahimik ang palasyo sa pagkawala ng mga pinakamagagaling na manggagawa. Mariing ipinatupad ang noo'y di pinahahalagahang patakaran. Nagbago ang Reyna, maging ang mga kawal at bantay. Sinubukan nilang itago ang hirap na dulot ng pagkawala ng iilang manggagawa. Ngunit kailanman ay hindi maikukubli ang bunga ng malaking kawalan.

Isang hapon ay may isang nagmamalasakit na langgam ang nagtungo sa kinaroroonan nila Otoy. Sina Otoy ay nakapagtayo na ng sariling kolonya, mayaman sa pagkain at maginhawa ang buhay. Ipinaalam ng humahangos na langgam ang plano ng Reyna na sunugin ang kolonya na naitayo nila Otoy. Noon pala'y patungo na ang ilang kawal sa kanilang kolonya upang isakatuparan ang maitim na mithiin.

Hindi matanggap ni Otoy ang kasamaan ng Reyna. Ang akala niya'y hinayaan na sila ng Reyna na tumungo sa landas na gusto nila. Magaling na ipinangtanggol nila Otoy ang kanilang kolonya. Ipinarating nya sa tigre ang kaitiman ng budhi ng Reyna. Ang lahat ng itinatagong lihim ng Reyna at ng mga kawal ay nabunyag. Gulat na tinanggap ng mga hayop sa gubat ang katotohanang ito.

Sa huli, nagtagumpay sila Otoy. Ipinataw ang marapat na parusa sa Reyna at sa mga kawal. Si Otoy ay namuhay ng masagana kasama ang matatalinong manggagawa. Unti-unting nabuwag ang bulok na kolonyang pinamumunuan ng Reyna, at isa isang nagkamatayan ang mga kawal na nagtatanggol sa kanya.

Mula noon ay masaya ng namuhay ang mga langgam sa gubat.


Ang Alamat ng Magiting na Langgam sa Gubat

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento