Mga Katutubong Sayaw ng Pilipinas

Ang mga sumusunod ay pito lamang sa maramang katutubong sayaw sa ating bansa.




Tinikling

Ang Tinikling ay ang sayaw na pambansa sa Pilipinas. Pinangalan itong sayaw na ito sa ibong Tikling na katutubo sa Leyte. Iniilagan ng mga nagsasayaw ang haligi na kawayan kagaya ng pagilag ng mga tikling sa magsasaka ng palay kapag hinuhuli sila. Mabilis na mabilis ang kilos ng mga paa ng mga nagsasayaw.


Balitaw

Ang Balitaw ay isang pamimitagang sayaw na laganap sa maraming lugar sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Tagalog at Visayas. Ang Balitaw ay galing sa salitang “balita” at “raw”. Balita na nangangahulagang “news” sa Ingles at raw o “it is said”, kaya ito’y “bulung-bulungan ng mga tao”.

Sa mga Visayan, ang mga mananayaw ay kumakanta, samantalang sa Tagaog ay hindi. Ang mga mananayaw ay hindi nagsasalita o walang boses na maririnig at sila’y gumagamit ng bulaklak na nagpapakita ng kanilang emosyon at damdamin. Ang babae ay nagbibigay ng bulaklak sa lalaki na nangangahulugan ng pagtanggap bilang kanyang mangingibig.

Ang katutubong sayaw na ito ay napaka popular sa mga kabataan ng Rehiyong Tagalog.



Pandanggo sa Ilaw

Ang sayaw na Pandanggo sa Ilaw ay katutubo sa Lubang at Mindoro. May tatlong tinggoy ang nagsasayaw na babae. Maninimbang siya ng isang tinggoy sa ibabaw ng ulo at dalawang tinggoy sa mga kamay, pero hindi humahawak ang daliri ng mananayaw. Para sayawin ang pandanggo sa ilaw ng mananayaw, kailangan niya ng magandang bikas at mahusay na pinambang.



Maglalatik

Ang Maglalatik ay ang digmang sayaw na katutubo sa Binan at Laguna. Gumagamit ng bao ng niyog ang mga nagsasayaw. Kanilang inilalagay ito sa likod, dibdib, balakang at hita. Pumapalo sila sa mga bao ng niyog ayon sa tugtog ng Maglalatik.



Sayaw sa Bangko

Ang pangakit na Sayaw sa Bangko ay katutubo sa Pangapisan, Lingayen, at Pangasinan. Sumasayaw ang mga pareha sa ibabaw ng mga bangko. Maliit na maliit ang mga bangko at dahil doon dapat maingat na maingat ang mga nagsasayaw.



La Jota

Ito ay isang sayaw pandiriwang na popular sa Pilipinas at nanggaling sa Panay, Ilocos Norte. Ang mga matatanda sa Paoay, lalong-lalo na ang mga kababaihan ay nahihilig sa pagsasayaw nito. Sa mga espesyal na okasyon katulad ng Guling-Guling (Eve of Ash Wednesday), Tambora (Eve of Christmas) at ang kapistahan ni Sta. Maria at Sta. Rosa kung saan ang mga matatanda ay nagsusuot ng magagarang damit sa pagsasayaw. Kung wala ng lalaking magsasayaw sa babae, pwedeng dalawang babae ang magiging magkapareha.

La Jota ay pwedeng sayawin sa kasalan at binyagan at iba’t-ibang sosyal na pagtitipon.



Daling-Daling

Daling-Daling ay isang sayaw panliligaw na galing sa Jolo, Sulu. Ito ay isang popular na sayaw ng mga kabataan. Ang salitang daling ay nangangahulugang “Aking Mahal”. Ang pangalan ng sayaw ay “Aking Mahal, Aking Mahal”.

Ang mga mananayaw ay kumakanta habang sumasayaw o ang mga manonood ang siyang kumakanta sa halip na mananayaw. Ang sayaw na ito ay nagpapakita kung gaano pinahahalagahan ng dalawang magkasintahan ang isa’t-isa. Ang lalaki ay nagsabi sa babae na kung ito’y mapalayo sa kanya ay walang kapayapaan na natatamo. Ang babae naman ay nagwika na kahit nasa iba’t-ibang isla sila ay hindi pa rin magbabago ang kanyang nararamdaman.

2 komento: