LAMBINGAN

Ay kay tamis hirang nang pagsintang tunay
Ang lahat ay buhay lalo kita'y kapiling
Kung tayo'y mawalay palad ko'y hinirang
At kung walang lambingan mabuti pa
Mabuti pa tayo'y pumanaw.

Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkot
Napaparam, nagbabago ang lahat ng himutok
At sa tuwi kong hahagkan ang pisngi mong mabango
Ay tuluyang napaparam ang hirap ko.

Kung tayo'y magkasayaw, magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay maliwanag
Sa suyuang matimyas, nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap nang matamis na lambingan.


LAMBINGAN
by Leon Ignacio


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento