Sa bintana mangalumbaba
At pagmasdan ang aking halamanan
Ay mamamatay kung di mo kaawaan
At sino ka, na dumadaan
Sa hardin ko, pinaglaruan
Alam mo na, na ako’y dalaga pa
Bulaklak ng Lirio, di pa bumubuka
Ang bilin ko ay dinggin mo nga
Sa silangan ay dumoon ka
Magtinda ka ng bungang mangga
At lansines na maraming kita
Kung mababa, iyong abutin
Kung mataas iyong sungkitin
Kung nahulog, iyong pulutin
Pero dinadaan-daanan mo pa rin.
Tong aking panyo ay mahulog ko
Ang makapulot ibalik na lang
Nakamarka ang pangalan ko
At may burdang hugis puso
Ang patalim ay kuhain mo
At iyong buksan ang dibdib ko
Para maibsan ang galit mo
Sa akin at hinanakit mo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento