10 Piling Nobela na Dapat Basahin sa High School
Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo. Inilarawan sa nobela ang Canal de la Reina mula sa mga karanasan at kaisipan ng mga tauhang naging bahagi niyon.
Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez. Tampok sa naturang akda ang tungkol sa himagsikan, at ang walang kamatayang usapin sa repormang agraryo na mainit na pinagtalunan noong dekada 50.
Madaling Araw ni IƱigo Ed. Regalado. Paglalarawan ng paghihimagsik at poot ni Juan laban sa mga Amerikano na ang sukdulan ay pagpatay kay Kabesang Leon na tuta ng imperyalista.
Banaag at Sikat ni Lope K. Santos. Kauna-unahang nobelang Tagalog na nagpakilala ng diwaing sosyalista, at tumalakay sa malagim na pangyayari hinggil sa lakas-paggawa noong panahon ng Amerikano. Lumihis din ito sa linyang Katipunismo nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.
Lalaki sa Dilim ni Benjamin M. Pascual. Tampok ang tema ng paglapastangan at ang madilim na pangyayari hinggil sa buhay ng isang babae sa pananaw ng lipunang patriyarkal nang walang bahid ng pagiging bulgar.Ang paglalahad ay banayad, at may madulas na salitaan.
Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes. Ang nobelang isinalin sa pelikula ni Lino Brocka, at itinatampok ang paghahanap ng pag-ibig at pagkatao sa bituka ng Maynila.
Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sikat. Paglalahad hinggil sa paghahalo ng mga mito at realidad sa kanayunan, at ang pagsisikap ng mga busabos sa buhay.
Ang Ginto sa Makiling ni Macario Pineda. Umiinog ang nobela hinggil sa maalamat na Makiling, ang paghahanap ng yaman ng tao upang makaraos sa hirap at pagkakamit ng kapangyarihang pangkaisipan, pangkatawan, at pangkalooban.
Pinaglahuan ni Faustino S. Aguilar. Pagbubunyag ng Amerikanong imperyalismo, at ang pagsalungat sa lumalaganap na materyalismong pinauso ng mga mananakop, bilang tampok na usapin sa pamamagitan ng pananaw ng mga tauhan.
Maganda pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco. Uminog sa usapin sa repormang agraryo at panunulisan ang tema ng nobela, at pagtanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng paligid.

10 Piling Nobela na Dapat Basahin sa Hayskul
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento