May isang mag-asawa na nagngangalang Juan at Namongan ay nakatira sa malayong baryo ng Nalbuan. Isang araw iniwan ni Don Juan ang kanyang buntis na asawa at pumunta sa kabundukan upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot. Habang papunta sila sa kabundukan ay ipinanganak ni Namongan ang isang batang lalaki. Kakaiba ang sanggol sa iba sapagkat pagkasilang pa lamang ay nakapagsasalita na ito. Gusto niyang pangalanan siyang Lam-ang. Siya na rin mismo ang pumili ng kanyang mga ninong nang siya ay binyagan.
Nasaan ang aking ama? isang araw ay tinanong ni Lam-ang ang kanyang ina na si Namongan.
Nasa kabundukan siya upang ayusin ang di pagkakaunawaan sa isang grupo ng Igorot doon, sabi ng kanyang ina.
Nalungkot si Lam-ang. Hindi pa niya nakikita ang kanyang ama buhat ng siya ay isinilang at nasasabik na siyang makita ito.
Matatagalan kaya ang kanyang pagbalik?
Hindi ko alam, malungkot na sagot ng kanyang ina na si Namongan na nasasabik din itong makita. Ni hindi ko man lamang alam kung buhay pa siya.
Isang araw ay nanaginip si Lam-ang. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang ama na walang awang pinatay ng isang grupo ng Igorot. Lubos siyang namuhi nang siya ay nagising. Nagpasya siya na sundan ang ama sa kabundukan. Siyam na buwang gulang siya noon. Nang marating niya ang pamayanan ng mga Igorot, nakita niya na nagsasayawan ng mga ito paikot sa ulo ng kanyang ama na nakatusok sa isang kawayan. Sa kanyang galit ay kinalaban at pinatay niya ang lahat ng Igorot, kasama ang kanilang pinuno na pinahirapan muna bago pinatay.
Sa kanyang pag-uwi sa Nalbuan ay napadaan siya sa ilog ng Amburayan. Doon ay naligo siya sa tulong ng kanyang mga kaibigang babae na pinupunasan ang kanyang katawan upang maalis ang mga dumi at dugo, ngunit ito'y nakapatay sa lahat ng nabubuhay na hayop sa ilog. Nang siya ay nasa hustong gulang na upang mag-asawa ay may nakilala siyang isang magandang babae, si Ines Kannoyan at umibig siya rito. Pumunta siya sa bahay nila Ines upang umakyat ng ligaw kasama ang kanyang puting tandang at ang kanyang paboritong aso. Nang makarating siya sa bahay ay nainis siya sa dami ng naunang manliligaw sa kanya.
Inutusan niyang tumilaok ang kanyang tandang at sinunod naman siya nito. Noon din ay gumuho ang bahay nila Ines at nangamatay ang lahat ng kanyang manliligaw. At inutusan naman niyang tumahol ang kanyang aso at tumahol nga ito. Mabilis na bumalik sa dati ang gumuhong bahay. Lumabas si Ines at ang kanyang mga magulang upang salubungin siya. Ipinaramdam ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang kay Ines Kannoyan.
Ang aking panginoon na si Lam-ang ay iniibig ka at gusto ka niyang pakasalan, sabi ng puting tandang kay Ines sa lenggwaheng naiintindihan niya.
Pakakasalan kita kung matutumbasan mo ang aming kayamanan, sagot ni Ines Kannoyan.
Ang pagsubok na ibinigay ni Ines ay hindi nakapagpahina kay Lam-ang. Umuwi siya kaagad at bumalik kasama ang isang malaking bangka na puno ng ginto, hinigitan nito ang halaga ng kayamanan nila Ines. Ikinasal sila at namuhay ng masaya.
Lumipas ang mga taon at dumating ang pagkakataon ni Lam-ang na humuli ng isda na tinatawag na rarang. Ito ay isang obligasyon ng bawat may asawang lalaki sa kanilang komunidad upang manghuli ng rarang. Ngunit nararamdaman ni Lam-ang na mapapatay siya ng isang berkahan, (isang uri ng isda na kabilang sa pamilya ng mga pating) kapag pumalaot na siya upang manghuli ng "rarang". Ngunit kailangan niyang tuparin ang kanyang tungkulin at isang gabi ay pumalaot siya sa karagatan. Napatay siya ng berkahan tulad ng kanyang inaasahan.
Tumangis si Ines sa kalungkutan. Umisip ang kanyang puting tandang ng paraan upang buhaying muli si Lam-ang. Umarkila si Ines Kannoyan ng mga maninisid upang hanapin ang mga buto ni Lam-ang sa ilalim ng dagat. Madaling nahanap ng mga maninisid ang lahat ng mga buto at pinagsama-sama ni Ines ang mga ito. Kasama ang puting tandang at ang paboritong aso ni Lam-ang ay namanata siya gabi-gabi hanggang sa isang araw ay nabuhay si Lam-ang. At mula noon ay namuhay sila ng masaya.

BIAG NI LAM-ANG
Epiko nga mga Ilokano
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento