2. Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.
3. Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.
5. Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin.
6. Aling pagkain sa mundo, ang nakalabas ang buto?
7. Heto na si Ingkong, nakaupo sa lusong.
8. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa.
9. Balat niya'y berde, buto niya'y itim,laman niya'y pula, sino siya?
10. Kung tawagin nila'y santo, hindi naman milagroso.
11. Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato.
12. Baboy sa pulo, ang balahibo ay pako.
13. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
14. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
15. May langit, may lupa, May tubig, walang isda.
16. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
17. Bunga na ay namumunga pa.
18. Tiningnan nang tiningnan. Bago ito nginitian.
19. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona?
20. May isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Ang mga sagot:
- Pinya
- Atis
- Lansones
- Mais
- Mangga
- Kasoy
- Kasoy
- Balimbing
- Pakwan
- Santol
- Papaya
- Langka
- Saging
- Bayabas
- Niyog
- Duhat
- Bunga
- Mais
- Bayabas
- Kasoy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento