May Nawaglit na Tupa
ni Alfonso Sujeco
Pasao alas-dose na ng gabi nang pukawin si Mang Gemo ng marahang yugyog ng asawang si Aling Tuding.
"Hoy, gising na't lampas na ng alas-onse," paalala ni Aling Tuding. Ipinagbilin kasi niyang gisingin siya kung makalimot sa pag-unat sa kanilang sopa sa salas. Sa edad na animnapu't dalawa, mababaw lang kun siya'y matulog. " Wala pa si Mike, baka abutin ng hatinggabi sa daan."
Napapungas pa si Mang Gemo. Nakalimot pala siya. Ang tangka niyang umunat sa sopa ay abangan ang pagdating ng anak na bunsong si Mike. Siya ang magbubukas ng pinto.
"Aba'y sumosobra na ang batang 'yan. Gabi-gabi halos ay pinapag-aalala tayo." Inabot ni Mang Germo ang bilog na orasan. "Siguro nasabit na naman d'yan sa Tony's Place sa kabilang kanto." Isang kumbinasyong bar-restaurant ang tinukoy na Tony's Place.
"Ma'nong salubungin mo na't iuwi mo, baka lasing!" Sumapi sa tinig ni Aling Tuding ang pagkabahala. "Naku, ang anak mong 'yan, hindi na 'ata magbabago!" pahimutok na dugtong.
Pagbukas ng pinto ni Mang Gemo, natanaw niyang nagsindi ng ilaw sa katapat na bahay. Ito'y sa panganay niyang anak na si Ramon na isang abogado. Pihong magagalit na naman ito sa bunsong kapatid. Alam ni Ramon ang dahilan ng pagpanaog ng kanyang ama nang alanganing oras. Magagalit na naman ito kay Mike maging si Pepito, ang dentistang anak niyang sumunod kay Ramon. Nasa likuran nina Ramon ang bahay ng mag-asawang Pepito. Nabili niya ang loteng ito sa murang halaga noong kangkungan pa ito at nakalubog sa tubig.
Walo ang naging anak nila ni Aling Tuding. Si Ramon ang panganay, ay 36 ang edad; tatlong taon ang pagitan kay Pepito; namatay ang sumunod; dalawang babae naman ang pagkaraan nito na pareho nang titulado at may asawa; namatay rin ang ikaanim; isang inhinyero ang ikapito na nakadestino sa Hilaga at doon na nakapag-aswa; at si Mike nga ang bunso.
May kaunitng kabuhayan sila noon. Isang pangkargamentong trak ang naitago niya noong liberasyon.Palibhasa'y isang mekaniko, nakumpuni niya ang kaunting kasiraan at naipambiyahe niya nang mga panahong iyon na may kamahalan ang bayaran. Nagbukas pa siya ng talyer sa silong ng bahay. At nang lumaon, nakapagpundar siya ng ilang dyipning ipinamasada. Ang kinikita rito ay ipinanustos niya sa pag-aaral ng mga anak. Nagkaroon ng titulo ang lima matangi sa bunsong si Mike na napagtapos lamang niya ng haiskul. Naubos na ang kaunti nilang kabuhayan, at ang pinauupahang dalawang pinto at ang ibinibigay ng mga anak ay sumusustento na lang sa kanila.
Kinapansinan ng pagbabago ang bunsong anak buhat marahil sa pag-aaral. Napapasama sa barkada na humahantong kadalasan sa Tony's. At hindi makailang ulit na ang mga kapatid ang nag-uwi rito sa bahay dahil hindi makagulapay sa kalasingan. Sa mga pagkakataong gayon, napagsasalitaan ito nang masasakit ng mga kapatid at napagbubuhatan ng kamay kung magtangkang lumaban.
Pero, sa kabila ng galit at pangaral ng magulang, hindi nagbago si Mike. Nawalan siya ng hilig na umasenso ang buhay at parang nawili na sa kalagayang pakanto-kanto at pabarka-barkada,
"Tatay, walang salang si Mike na naman ang hanap n'yo n'yan," ibinati ni Ramon mula sa bintana sa amang biglang napatingala."Kung may isip ba naman yang si Mike, kailangan pa ba niyang magpasundo? Alam namang matanda na kayo at mahina ang mga mata. Mabuti kaya'y ako na lang ang sumundo at nang makita...."
Nakabahala sa matanda ang banta sa tinig ni Ramon."Ha' mo nang ako na lang ang sumundo; maaga pa naman at malapit lang ang Tony's."
"Palaging pag-amu-amo ang ginagawa n'yo riyan kay Mike kaya nawiwili. Ayaw magtanda," angil ni Ramon. "Gulpihin n'yong minsan 'yan, tingnan n'yo kundi magkaisip. Ayaw kasi n'yong ipaubaya sa 'min ang pagdisiplina sa lokong 'yan, e."
Huwag mo nang pag-initin pa ang ulo mo at kaya ko pa namang suhetuhin ang kapatid mo." Para maiwasan pa ang pagtatalo nila ni Ramon, sinabayan na ng layo ni Mang Gemo. Hnid naman niya masisisi ang mga anak kung magalit man; pagmamalasakit lamang ang gayon para tumino si Mike.
Pumapasok pa lang siya sa pinto ng nagliliwanag na Tony's Place, narinig na niya ang malakas na tawag ng isang lalaki. "Mike, ito na'ng erpat mo, hanap ka," at tumawa.
Nang sundan ni Mang Gemo ang dakong tinutudla ng tingin ng nagsalita, nakita niya ang anak, may hawak na baso ng alak, nasa tabi ng isang waitress. Pagkakita sa kanya ni Mike, itinaas pa nito ang baso at parang isinesenyas na uuwi na ito.
Lumapit si Mang Gemo sa anak, hinawakan sa braso. "Madilim sa labas, baka ka matisod. Sabay na tayo nang maalalayan kita." Walang galit sa kanyang tinig;pag-uanwa ang kailangan ng anak. At walang tutol na sumama si Mike sa ama.
“Mike, bawasan mo naman ang ‘yong ginagawang kabalbalan,” mariing wika ni Ramon, pakumpas-kumpas na parang nasa husgado. “Ipagmakahiya mo naman kaming mga kapatid mong titulado. Ano na lang ang wiwikain ng mga tao? Naturingan ng kaming marurunong, pero pinababayaang maging hampaslupa ang kapatid. At kinalolokohan mo raw ‘yong waitress sa bar, kaya doon ka nagbababad. Aba, wala ka na bang delikadesa?
Sumabad ang titser, “Kung wala kang magawang mabuti, magpirme ka rito sa bahay. Sa gano’n walang mga masasabi sa’yo ang sinuman.”
Nagtaas ng ulo ang nakayukong si Mike. “Ano ba naman ang masama sa makisama, uminom nang konti, at maging malaya?” Nakatatak sa bata niyang mukha ang paghihimagsik at hinanakit. “Ba’t hindi n’yo ako pabayaan sa gusto ko, hindi ko naman kayo ginugulo…minomolestiya? At para sabihin ko sa inyo, waitress man si Lolit, marangal siya at hindi ako ikinahihiya.”
Tumayo si Pepito at ang parmasyotika. “Huwag mong igiit ‘yang baluktot mong katwiran,” sansala ni Pepito, na sinigunduhan ng babae. “Kung hindi ka nga lang naming kapatid, bakit kami magmamalasakit kahit na ano’ng mangyari sa’yo?’’
Hindi na nakatiis ang pinagtutulungang si Mike, padabog na tumayo at matapos pukulin ng matalim na tingin ang mga kapatid, tuluy-tuloy na nanaog. Hahabulin pa sana ito ni Ramon, pero humarang si Mang Gemo.
“Lumalayo ang loob sa inyo ng inyong kapatid pagkat wala siyang nadaramang pagmamahal sa inyo,”paos ang tinig na wika ni Mang Gemo, nangingilid ang luha sa mga mata. “Kahit na bata ‘yon, marunong ding mahiya at masaktan ang kalooban. Ang hinihingi ko sa inyo’y tulungan natin siyang magbago sa maunawaing paraan.”
“Hayun, inayunan na naman ang mabait naming bunso!” Pauyam na turing ni Ramon. “Balang-araw, kung hindi masusugpo ang ginagawa niya, lalong maraming gulo ang ihahatid sa atin n’yan,” at sinabayan ng talikod, patungo sa hagdan. Nagsisunod na rin ang tatlo pa, matapos magpaalam sa magulang.
“Bakit kaya parang ibang tao ang tingin nila sa kanilang bunsong kapatid?” ani ni Aling Tuding at napatingin sa asawa na parang humuhingi ng tulong. Napailing-iling si Mang Gemo, lukob pa rin ng kalungkutan.
Ilang araw lamang ang nakaraan buhat noon, muling nabalisa ang mag-asawang Gemo at Tuding. Dati’y umuuwi si Mike bago gumabi. Dili kaya’y sinusundo ng ama pag-alanganin nang oras. Pero ngayon, nagsadya na si Mang Gemo sa bar ay hindi matagpuan ang anak. Wala namang ibig magturo kung saan ito nagtungo. Baka nakayag ng barkada sa ibang lugar?
Magdamag halos na hindi nakatulog ang nag-aalalang mag-asawa. Kaya, madilim-dilim pa’y ipinaalam na kay Ramon ang pagkawala ni Mike. Ilan pang sandali ay nagmamadaling nagsirating sa bahay ng kanilang kuya ang ibang kapatid na tinawagan sa telepono.
“Umuwi na kayo at magsisiyasat ako kung sa’n nagpunta ang magaling naming kapatid na ‘yan,” pagmamayapa ni Ramon at inihatid sa pinto ang dalawang naghihinagpis na matanda.
Pagdating sa bahay, nagtuloy sa kanilang silid ang mag-asawa. Inaalo ni Mang Gemo ang asawa nang mapabaling ang tingin nila sa lumang larawang grupo ng pamilya, na nasa ibabaw ng lumang tokador. Dinampot ni Mang Gemo ang kwadro at inaninaw ang mga anak na nasa larawan.
Sa larawan, nakupo siyang katabi ang asawa; kandong ni Aling Tuding ang bunsong si Mike na maglilimang taon noon at nakahanay sa likuran ang lima pang kapatid nito.
“Kawawang bunso natin,” humulagpos sa labi ni Mang Gemo na parang naghihirap. “Siya lang ang di-nagkapalad sa magkakapatid na magkaroon ng titulo.”
“Kaya parang ikinahihiya siya ng mga kapatid…” sahod ni Aling Tuding na mangiyak-ngiyak.
Napagulantang sila nang mula sa labas ay marinig nila ang kaingayan ng nagdatingang mga anak. Nangingibabaw ang tinig ni Ramon.”Tatay…Nanay, nasa’n kayo?” tawag nito, at tumigil sa salas ang mga yabag.
“Baka natagpuan na si Mike ?” ani Mang Gemo at nagmadali silang lumabas. “Ramon, nasa’n si Mike? Kasama niyo ba?” usisa kay Ramon, at tumingin sa ibang mga anak.
Pinaupo muna ang ama at ina at saka tumayo sa harap si Ramon. “H’wag kayong mabibigla,” paunang wika. “Ang magaling pala n’yong anak ay nagtanan ng babae… at ang babae’y ‘yong waitress sa bar.”
Napapitlag ang mag-asawa, at sa kamay ni Mang Gemo napahawak si Aling Tuding. “Nasa’n sila ngayon?” mahinahong tanong ni Mang Gemo.
“Hindi na tayo binibigyan ng kahihiyan ng Mike na ‘yan,” padabog na wika ng titser. “Akalain mong waitress ang itanan?”
“Ang sabihin mo’y kaybabatang nakaisip mag-asawa,” susog ni Pepito. “trabaho ma’y wala, ano’ng ipakakain niya sa asawa?”
Pero biglang natahimik ang lahat nang Makita nilang magkahawak-kamay ang kanilang ama at ina, larawan ng kalungkutan. May nakapamintang luha sa mga mata ng ama nang isa-isa silang hagurin nito ng tingin.
“Huwag na n’yong dagdagan ng upasala ang insulting ipinataw n’yo sa inyong kapatid,” pasamong wika ni Mang Gemo, parang nahihirapan sa pagsasalita. “Sa halip na paghamak, ba’t hindi awa ang ilawit n’yo sa kanya?”
“Pero, Tatay, hindi ba n’yo nakikita ang komparison sa ‘amin? Pawang de propesyon ang amin-aming mga asawa,” tutol ni Ramon, na inayunan ng iba.
Tumaas ang kamay ni Mang Gemo. “Wala na ba kayong nakikita kundi ang inyong katangian?” pahinanakit na turing. “Waitress lang ang naging kapalaran ni Mike pagkat ‘yon lang ang nababagay sa kanyang pinag-aralan. Hindi siya nakapagpatuloy at nagkatitulo na gaya ninyo. Haiskul lang ang kanyang natapos, pagkat sa inyong lima naukol lahat ang kabuhayan na naipundar naming noon gaming kalakasan. At nang maubos na lahat ‘yon sa inyong pag-aaral, ang bunsong si Mike ang naiwan sa alanganin-matanda na ‘ko upang maisadsad pa siya sa kolehiyo. Mayroon ba kayong nagawa kahit katiting para sa kanyang kagalingan, maliban sa pintasan at kagalitan siya?” at nabugnos ang tinitimping hinagpis ng puso; umagos ang luha sa kulubot niyang pisngi.
Nagkatinginan ang magkakapatid, parang nagising sa isang mahabang pagkakaidlip-sa isang malaking pagkukulang sa kanilang bunsong kapatid. Sila ang nakinabang sa kabuhayan ng kanilang mga magulang; naubos sa kanilang pag-aaral. At walang natira para kay Mike, matangi sa katandaan ng kanilang ama at ina na wala nang ikakaya pa sa pagpapaaral kay Mike.
“Tatay… Nanay, nangangako kaming lahat, pag-aaralin naming si Mike kahit na siya’y may asawa ,” matapat na wika ni Ramon, na inayunan ng mga kapatid. “Hindi masasayang ang mga pangarap n’yo sa kanya,magiging titulado ri siya katulad namin.”
“S-salamat, mga anak, kaytagal kong hinintay na marinig sa inyo ‘yan.” At may ngiting tinanggap ni Mang Gemo at ng asawa ang mahigpit na yapos ng mga anak.

Maikling Kwento
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento