Si Dr. Jose Rizal ay ang ating pambasang bayani sa kadahilanang ginising niya tayong mga Pilipino sa pang-aalipin nga mga Kastila. At ito ay ginawa niya sa pinakamapayapang paraan : sa pamamagitan nga El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Dahil sa kanya, tayo ay namulat!!! Talagang tunay na matinik si Rizal sa pagsusulat. At lingid sa karamihan, siya ay matinik din sa mga tsiks!
Bb. L : Sobra ang tanda ni “Binibining L” (hindi kamag-anak ni Sister Stella L) kesa kay Joey at pinaniniwalaang ito si Jacinta Ibardo Laza na dati niyang titser. Naunsyami ang pagnanasa ni Joey sa babae nang pagbawalan siya ng tatay niya. At dahil masunuring anak, itinigil niya ang “kabaliwang” iyon.
Leonor Rivera : Sino ang hindi nakakikilala kay Leonor Rivera, ang pinsan ng ating bida, na nagpasakit ng kalooban niya nang todo-todo?
Julia : Nakilala ito ni Joey noong disisais lang siya. Ayon sa kwento, naliligo si Hulya sa ilog. (Binosohan kaya siya ni idol? Nah! Hindi niya magagawa yun.) Humuli siya ng paru-paro para magpakitang gilas at ibinigay kay Huli kaya nagkakilala sila at nagligawan. Hmm, parang pelikula.
Segunda Katigbak : Paga-disisais din lang siya noon pero hindi niya pinagsabay sina Huli at Gunding. Ewan ko kung paano niya ginawa iyon pero iyan ang nasusulat. Si Gunding ang sinasabing “una” niyang pag-ibig. At una ring pagkabigo.
Leonor Valenzuela : Kasingtangkad ito ni Joey at Orang ang palayaw niya, peks man. Kapitbahay siya ng tinutuluyan ni Ka Joey nung nag-aaral pa siya ng medisina sa Maynila.
Consuelo Ortega y Perez : Nakilala siya ni aydol sa Madrid. Tunay na walang takot sa height itong bida natin. Hindi siya nalulula sa tangkad at hindi rin maliwanag kung naging magsyota sila pero hinandugan niya ang babae ng tula na pinamagatan niyang “Sa iyo, Bb. C.O. y P.”
Seiko : Hindi ito relos o wallet. Binansagan siya ni Joey na O Sei San, huwag n’yo akong tanungin kung bakit. Nagkakilala sila sa Hapon nang minsang maligaw doon ang bida. Gusto na sanang tumira ni Joey sa Tokyo at pakasalan si Seiko. Pero malakas ang tawag ng misyon kay Joey at iniwan si Seiko kapalit ni Tag Heuer, este, para pumunta sa Europa.
Gertrude Beckett : Kulay asul ang mata. Anak ng kasera ni Joey. Naging magsyota sila pero masyadong bata ang disiotso-anyos na si Gettie para kay Joey.
Nellie Boustead : Naging magkaribal si Joey at Tonying Luna sa babaeng ito. Pero “matinik” nga si Joey, ano’ng magagawa natin? Nagkahiwalay sila dahil ayaw ni Joey na maging Protestante.
Josephine Bracken: Sino rin ang hindi nakakikilala sa babaeng ito na nakasama ni Joey hanggang sa huling sandali? Kahit may lahing puti, kasingtangkad lang ni Nora Aunor si Husepina. Nagkaanak sila pero namatay din agad sa hindi malinaw na dahilan.
Kung may alam kayong mga Tsiks nga ating idol na hindi nasama sa listahang ito, ipagpaalam lamang po. :D
Happy Independence Day sa lahat nga mga Pinoy sa buong mundo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento