Tinta at Bala
Jeffrey "Dyeppri" Valencia Agon
(Maikling Kwento)
“Makikisakay nga po ako sa paragos ninyo.”
“Saan ba ikaw paroroon iho?”
“Sa lugar ng pagkilos.”
“Ibig mo sabihin ay kaisa ka.”
“Oho.”
“Anong nangyari at nagbabalik ka, siguro ay hindi mo kayang takasan ano?!”
Sampung taon na rin simula nang lisanin ko ang mga retorika at paniniwala ng mga kasapi sa paniniwalang hindi duon sisibol ang hinahanap naming lahat. Hindi sa mga pagkilos at pakikibaka sa kung ano pa man.Maaaring mali akon gunit sadya yatang ipinanganak akong may matigas na bungo.
Maraming kondesyones na kaakibat ang pagbaba ko. Hindi ko na kinakailang alalahanin pa kung anong nangyayari sa kanila ngunit hindi ko rin dapat daw limutin kung ano ang nangyari sa akin sa nakaraan.Wala ng ugnayan pero alam ko naman na patuloy nila akong minamatyagan sa bawat galaw ko at pakikisalamuha sa mga normal.
OO at mga normal ang tawag namin sa iba dahil kami ay abnormal sa lahat ng anyo ng pamumuhay- nakaraan, kasalukuyan o kahit sa hinaharap ay nakatatak na ito at kailanman ay hindi na matatakbuhan. Nakaukit na sa pagkatao at tagos buto ito na kinakailangang katayin muna bago ito mahugasan at tuluyang mahubaran.
Pinandas ko ang payak na kaisipan sa tinatawag nilang pamantasan ng bayan. Naging iskolar ako ng bayan at minsan ay natutulungan din ng bagong rebulusyonaryo. Ayaw ko man ngunit talagang bumubulaga pa rin sa aking harapan at hindi ko matakbuhan…
“Sige kunin mo na ito at walang makakaalam nito, isang lihim lamang natin.”
“Pero Sir nakakahiya naman at pinagtrabahuhan n’yo ito ng dugo’t pawis.”
“Huwag ka mag-alala dahil kilala kita, isa ka sa pinagpala at gayun din ako. Iisa tayo.”
“Salamat.” iiling-iling na lamang ako na tinanggap iyon para matapos na ang diskusyon
Isa, dalawa at hanggang tatlong taon ko masasabing tahimik at simple ang pamumuhay ko. Ginulo lamang ito ng isang babae. Oo, isang babae lamang ang bumaligtad sa simpleng pamumuhay ko. Patuloy ko itong iniwasan dahil nararamdaman ko ang ibubunga nitong kapangahasan ngunit hindi sapat ang pagtakbo ko.
“Hi! anong name mo cuttie.”
“Hindi ako aso!” paangil kong sagot at dinagdagan ko pa “oo tuta ako dati kaya tumabi ka at baka makagat kita dahil ma-rabbies pa ang isang batang aso.”
“Yan ang type ko pa-hard to get.” ngunit hindi iyon totoo
Sa totoo lang ay nilalaban ko lamang ang pang-aakit niya. Sino ba ang hindi kayang pukawin sa kagandahan niya, sosyal at mukhang napakabango na sumisiksik sa kaluluwa. Nakalayo na ako sa patuloy na pag-iwas ay naaamoy ko parin hanggang sa alaala ang halimuyak ng pabangong serenity ni Grace. Napakahirap niyang iwasan. Isa, dalawang lingo ko siyang pinagtataguan ngunit balewala ito sa kanya.
“Ano ba at parati ka na lang nakaharang sa daraanan ko, wala naman akong utang sayo!” galit ako pero kunyari lang dahil alam ko na pilit lumukso ang puso ko sa puso niya
“Putang-ina eh ninakaw mo ang puso ko.” sagot niya
“Sandali at…” naputol ang sasabihin ko ng pinupog niya ang bibig ko- at ginantihan ko na rin naman
Iba ang halik niya. Hinahanap-hanap ko at dinaig pa nito ang minsan ko ng sinubukang pang-adik.Hindi ko kayang pigilan na simsimin ang bibig niya. Naglabanan ang aming mga dila na animo’y may pilit sinusungkit sa ilalim ng mga ngipin. Tuloy-tuloy iyon hanggang matagpuan ko ang sarili sa ibabaw ng katawan niya. Pinagmasdan ko ang kagandahan ng katawan niya, ang hugis, ang kurbada at ang balat na ubod ng kinis na nagpapatunay lamang ng taas ng antas ng buhay niya.
Nagsimula ang bago kong buhay sa piling niya. Masaya ngunit pagulo nang pagulo.
“Nalaman ni Papa na may BF na ako.” sabi niya
Patlang.
Hindi ako nakakibo at parang binuhusan ng yelo ang katawan ko. Wala akong nasabi sa kanya ngunit sa sarili ko ay napakarami. Tanga ka Jeff…ubod ka ng tanga! Ano ang gagawin ko? Ano? Yari ako sa mga nakapatig at lalong mayayari ako sa nakabahag…
Naging maingat ako. Bawat kilos ko ay pinag-iisipan ko ng hindi lamang isang daang beses ‘ata kundi libong beses hanggang magmukha na akong baliw. Paranoid sa kahit ano. Napakaraming baka? Baka at baka.
“Bakit mo ba ako iniiwasan e hindi ka naman balak ipatawag ni daddy eh.”
“Putcha, yun nga eh…bakit kaya ayaw niya akong ipatawag!”
Hindi normal sa isang Ama na hindi gustong kilalanin ang BF ng anak. Papano kung hindi lang pala nais niya akong kilalanin bagkus ay mas kilalanin pa na tulad ng balatan ang buo kong pagkatao. Papano kung hubaran niya ako. Patay ako as in patay talaga!
at hindi ako nagkamali ng minsan…
Skisshh..
“Sakay bilis….sakay.” sabi ng isang anino na lumapit sa akin “huwag kang gagawa ng ano mang ikapapahamak mo, sige na at sakay na.”
Handa naman na ako sa ganoong tagpo dahil halos araw-araw pumapasok sa imahinasyon ko ang tagpong iyon. Alam kong mangyayari ang ganoong eksena. Wala akong third eye pero tiyak ko iyon at kahit isang bobo mararamdaman ito.
SSSShhhhhh…
Buhos ng malamig na tubig ang gumising sa nanghihinang katawan ko. Nakatulog pala ako o mas tama ay nawalan ako ng ulirat sa bugbog na inabot ko sa hindi mabilang na mga kamao na dumapo sa katawan ko kagabi. Isa, Dalawa, Sampong tadyak pa ang tumulong para tuluyan akong magising. Wala ng sakit at manhid na ang buong katawan ko.
“Putang-ina at anak ko pa ang titirahin ninyo. Kilala mo ba ako.”
“O-opo.”
Hindi ko na sinubukan pa magkaila dahil walang patutunguhan iyon kundi dagdag lang na pasakit sa katawan. Sinubukan ko naman talaga na mawala sa buhay ng anak niya kahit siya pa ang buhay ko. Aanhin ba ang pagmamahal kung wala naman na akong buhay ang naging batayan ko. Ngunit makulit talaga si Grace, matigas at mabuti pa daw wakasan ang buhay niya kung mawawala ako sa piling niya.
Nagtago pa rin ako ng ilang linggo at hindi nakipag-ugnayan kahit isang miss call ay wala sa akin. Panay ang tawag niya kaya’t minabuti ko na lamang itapon ang telepono dahil wala naman akong katawagan kundi siya lamang. Tsaka bigay din naman niya iyon kaya maganda na nga na itapon sa kanal upang tuluyan ng magkalimutan.
“Wala na si Grace at pinadala ko na sa US.”
“A-ayos lang ho.”
“Kayat mas mabuti pa ay mawala ka na rin. Papano mo gustong mawala.”
Galit na galit ang ama niya dahil tinangka pala ni Grace na tumakas sa pamamahay nila at nang kinulong ito sa kuwarto ay uminom ng lason sa daga. Mabuti’t naagapan ng makita ng isang katulong nila. Mabilis din inayos ng ama ang tiket nito at tinakot na may mangyayaring masama sa akin kung hindi ito tatalima sa gusto ng ama.
“Magbalik ka na kung saan mang lupalop ka galing kung ayaw mo pang papagpantayin ko ang dalawa mong paa at kanin ka ng lupa.”
“Salamat General Ramos. Salamat sa isa pang pagkakataon.”
Ngayon nga ay sakay na muli ako ng paragos. Walang nangyari sa pakikibaka at paniniwala ko na maaari pang matakasan ang lupit ng kabundukan.Hindi pala. Tama ang mga kasama na mababalatan muna ako bago tuluyang mahubad ang katotohang isa ako sa kanila. Hindi man sila ang gumawa niyon ay baka ang iba.
Hindi tinta ang nararapat kong sandata kundi ang kasama na sa pagsilang ko, ang bala at sandata.

Jeffrey "dyeppri" Valencia Agon
Maikling Kwento
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento