Kapalaran sa 2012 : CAPRICORN

Capricorn
Dec 22 - Jan 19

Kapalaran sa 2012 Horoscope CAPRICORN Zodiac Signs
Ngayon maa-achieve ang lahat ng bagay na wala naman sa plano. Kahanga-hanga ang enerhiya at confidence na ipapamalas ngayong 2012. Ultimo MERALCO ay tatalunin mo sa sobrang energy na pinapakita mo sa mga tao .Mataas ang expectation ng Capricorn sa trabaho, sa sobrang taas baka ma-assign ka sa mga matataas na billboard sa EDSA.

Magtatagumpay na kumbinsihin ang mga taong sumasalungat sa pinaniniwalaan, kaya umasa ka na makakausap mo ang mga lider ng New Peoples Army at hikayatin na sila na bumaba ng bundok.

Dapat iwasan ang pangangarap ng gising o pagpapantasya ng lasing, dahil kung hindi mo ito titigilan mapag-kamalan ka ng isang baliw.

Magkakaroon ng positibong pagbabago pero karamihan nito ay may negatibong resulta.

Maghahatid ng suwerte sa Capricorn ang mga numerong 3,19, 22,26,27 at 41


CAPRICORN
Kapalaran sa 2012
Hango sa mga nakita ni Willy Garte





Ano ang kapalaran mo sa taong 2012?














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento