Ang Parabula ng mga Bulag at ang Elepante
(Mga Kwento ni Budda)
Minsan ay may isang raha (hari) na anyayahan ang mga taong ipinanganak na bulag at ipakita sa kanila ang isang elepante.
Sinunod ito ng kaniyang katulong. Sa isang bulag ay pinahawakan niya ang ulo ng elepante, sa isa naman ay ang tainga, sa isa ay ang mahabang ilong, ang isa ay ang isa sa mga sungay nito sa nguso; sa isa pa ulit ay ang katawan, habang ang isa ay paa, sa isa pang bulag ay ang likod at sa iba pang bulag ay ang buntot at ang dulo ng buntot.
Pagkatapos nang lahat ay nagkarron ng pagkakataon upang mahawakan ang elepante, tinanong ni Buddha kung ano sa palagay nila ang elepante.
Ang humawak ng ulo ay nagsabi na ito ay isang kalderong lutuan.
Ang humawak ng tainga ay nagsabi na ito ay isang bilao.
Ang humawak ng sungay ay nagsabi na ito raw ay talim sa pang-araro.
Ang humawak ng mahabang ilong nito ay nagsabing ito ay ang pangararo.
Ang humawak ng katawan ay sinabing ito ay imbakan ng inani.
Ang humawak ng paa ay sinabing ito ay poste.
Ang humawak ng likod ay sinabing ito ay bayuhan.
Ang humawak ng buntot ay sinabing ito ay pambayo.
Ang humawak ng dulo ng bunto ay sinabing ito ay panglinis.
Dahil sa bawa't isa ay gumigiit ng kanilang paniniwala, di kalaunan, sila ay nag-aaway-away.
Ang leksiyon sa parabula. Ang bawa't nagtuturo ay may iba'ibang paniniwala ayon sa kanilang iniisip na tama kahit sila ay tulad sa mga bulag na pinaniwalaan lang ang kanilang nahahawakan.
Ang Parabula ng Mga Bulag at ang Elepante
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento