Ang Alamat ng Medyas
Noong unang panahon wala pang ibang panoot sa paa ang mga tao sa sapatos.
Sa bayan ng Paahan may nakatirang mag-asawa na may kaisa-isang anak, ang pangalan niya ay Mediya. Siya ay lumaking maganda ngunit may di magandang ugali, inggitera at mapagmataas. Wala na itong ginawa kung di ang pintasan ang ibang tao.
Isang araw may dumating silang bagong kapitbahay at may anak itong napakagandang dalaga, si Toyang. Kabaliktaran ng ugali ni Toyang si Mediya, siya ay mabait at mapagkumbaba sa kabila ng pagiging anak ng isang negosyante. Dahil dito marami siyang naging kaibigan at marami rin mga nahumaling na kalalakihan sa kanya isa na rito ang matalik na kaibigan ni Mediya na si Timyong.
Naghatid ito ng matinding inggit at galit sa dibdib ni Mediya, mula noon ay nagkaroon na ng hindi magandang pakikitungo si Mediya dito.
Sa tuwi na lamang ay sinisiraan ni Mediya si Toyang sa iba nilang kapitbahay. Sa di inaasahang pangyayari, nalugi sa negosyo ang pamilya ni Toyang at sila ay naghirap. Ikinatuwa naman ito ni Mediya, ipinagkalat niya na kaya naghirap ang mga ito ay dahil sa manggagantso at manloloko ang mga ito na hindi naman totoo.
Dahil sa kahirapan napilitan ang ina ni Toyang na mamasukan kina Mediya. Lagi na lamang inaaway at nilalait ni Mediya ang ina ni Toyang.
Isang gabi, pinuntahan ni Toyang ang kanyang ina upang sunduin. Naabutan niya na sinisigawan ni Mediya ang kanyang ina dahil sa nabasag nito ang salamin. Nakiusap siya na wag ng pagalitan at babayaran na lamang ang salamin na nabasag. Ngunit sa halip na tumigil si Mediya ay lalo itong nag ngitngit sa galit. Sinabi pa nito na hampas-lupa at manloloko ang mag-ina at hindi na nila mababayaran ang salamin. Di pa nasiyahan at itinulak pa niya ang mag-ina sa ulanan na siyang ikinasugat ng paa ng ina ni Toyang.
Lumuluha na naglalakad pauwi ang mag-ina. Hindi kinaya ng ina ni Toyang kaya ito'y ngkasakit at nagkaroon ng mga paltos sa paa dahil sa sapatos. Lumipas ang mga araw ay lalong lumubha ito at namatay. Naging balita ito sa kanilang bayan.
Lubhang nagalit si Toyang kay Mediya kaya't kanya itong isinumpa!
"Ang isang katulad mong inggitera at mapang-api ay dapat turuan ng leksyon'', iyon ang huling kataga ni Toyang at ito'y naglaho na lamang sa kanilang bayan.
Nagkibit balikat naman si Mediya. Nasiyahan pa ito at sa wakas wala na siyang karibal sa puso ni Timyong, wala na rin ang kinaiinggitan niya.
Ganon na lamang ang pagkagulat ng magulang ni Mediya isang umaga ng di nila matagpuan ang anak kahit saan. Wala ni isa ang makapagsabi kung nasaan ito. Tanging ang nakita na lamang nila sa higaan nito ang isang kapirasong tela na animo'y isang maliit na sako na sing laki ng kanilang mga paa.
Nabalitaan ito sa kanilang bayan at nagkaroon ng usap-usapan na ito'y maaaring si Mediya, bilang parusa sa kanya dahil sa pagiging mapang-api nito, at upang pagbayaran nito ang nagawang kasalanan sa mag-ina. Hindi naglaon ginamit nila ito sa paa upang maprotektahan sa paltos at sugat na mula sa sapatos.
Tinawag nila ang maliit na tela na Medyas, hango sa pangalang Mediya na nagpapa alala sa kwento ng mag-ina. Kaya isang pares ay sumasagisag sa mag-ina na inapi ni Mediya at naging parusa kay sa kanya na pangalagaan ang paa laban sa sugat na dapat ay kanyang ginawa sa mag-ina. Ganun din ang baho ng paa ay kanyang maamoy, na parusa naman sa pagiging mapanira sa kapwa, ang pagpansin sa baho ng iba bago ang kanyang sarili.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento