Alamat ng Litson
Sa isang liblib na lugar sa bayan ng laguna,ay mayroon mag-asawang tahimik na namumuhay. Sila ay may anak na lalaki na ang pangalan ay Lito na ubod ng likot at tamad. Si Mang Andoy naman ay kabaligtaran ng kanyang anak dahil sa sobrang sipag nito, bagama't matanda na ay palagi parin nasa bukid upang magsaka. Si Aling Kulot naman naman ang siyang nagaasikaso sa mga gawaing bahay.
Isang umaga ay inutusan ni Aling Kulot si Lito na bumaba ng bundok upang bumili ng gamot dahil sumusumpong na naman ang sakit ng tatay nito. Ngunit dahil sa katamaran ay binalewala nalang ni Lito ang utos ng kanyang ina at sa halip ay nakipaglaro na lang sa mga kaibigan.dahil doon ay napilitan nalang si Aling Kulot na magisang bumaba ng bundok at iwan ang asawang may sakit. Habang papauwi na si Aling Kulot ay natanaw niya ang maraming tao sa kanilang bahay,at doon ay nabigla siya ng makita niya si Litong umiiyak. Agad tumakbo si Lito sa kanyang ina at niyakap ng mahigpit.
Wika ni Lito, "Inay magbago na po ako at susundin ko na ang mga utos niyo, pangako."
Mapaiyak naman si aling kulot at niyakap din niya ng mahigpit ang anak.
Pagkalipas ng ilang araw ay napagpasyahan nalang ng mag-ina na ipagbili ang lupang sakahan na naiwan ng namatay na si Mang Andoy. Dahil sa malaking salaping napagbentahan, ay naisipan nilang ipundar ang pera sa pagaalaga ng baboy. Pagkalipas ng ilang taon ay naparami nila ang kanilang baboy dahil sa magandang pagaalaga dito.
Isang araw, inutusan ni Aling Kulot si Lito na bantayan ang kanyang nilulutong kakanin sa tabi ng kulungan ng baboy dahil kailangan na niyang mamalengke sa bayan. Pagkaalis ni Aling Kulot ay nakipaglaro na agad si Lito sa kanyang mga kaibigan at nalimutan na niyang may pinapagawa nga pala sa kanya ang ina. Pagkalipas ng ilang oras ay nabalot ng makapal na usok ang kapaligiran, at doo'y umalingasaw ang napakabangong amoy Na naging dahilan ng paglalabasan ng tao.
Tumakbo si Lito ng mabilis sa kanila at pinigilan ang pagkalat ng apoy, ngunit huli na ang lahat dahil nasunog na ng apoy ang lahat ng alaga nilang baboy.
Agad naman nagpuntahan ang buong mamayan sa likod nang kanilang bahay upang tikman ang baboy na nilamon ng malaking apoy, at doo'y nagustuhan nang bawat isa ang lasa..
Dahil sa pangyayaring iyon ay tinawag nila ang putaheng iyon na hango sa pangalan ni Lito : "Litson". Magmula noon ay naging tradisyon na ng kanilang bayan ng mag-litson tuwing sasapit ang kanilang kapistahan..

Salamat sa unique na alamat na ito. Nagamit ko sa assignment ko. :)
TumugonBurahinPero medyo natakam ako sa picture ng litson mo. :D :D
Salamat din po.
BurahinBalik kayo ha....
:)
napakahusay ng pagkalahad ng alamat na ito..miss ko tuloy kumain ng litson..hayyzz..nakakagigil o..nagutom ako ,,ha ha ha
TumugonBurahin