Si Mangita At Si Larina, Sa Lawa Ng Bai

Si Mangita At Si Larina, Sa Lawa Ng Bai
Alamat ng Laguna de Bai


Maraming taon na ang nakaraan mula nuong namahay sa mga pampang ng Laguna de Bai ang isang mahirap na mangingisda ( pescador, fisherman). Nabalo nang namatay ang asawang babae, siya na lamang ang tanging nagpalaki sa 2 nilang anak na babae, sina Mangita at Larina. Kapwa napaka-ganda ng 2 anak.


Si Mangita ay kayumangging kaligatan at ang buhok niya ay kulay ng hatinggabi (medianoche, midnight). Mapag-bigay siya at mahal ng lahat ng kakilala dahil mabait. Tinutulungan niya ang kanyang ama sa pagtahi sa mga lambat ( fishnets) at sa pagbigkis ng mga sulu (torches) - kapwa gamit sa pangingisda gabi-gabi. At araw-araw naman, ang matamis niyang ngiti (sonrisa, smile) ang siyang nagpapaliwanag sa munti nilang kubo (cabaƱa, hut).

Maputi naman si Larina at haling na haling siya sa manilaw-nilaw (dorado, golden) niyang buhok na pinatubo niyang mahabang mahaba. Kaiba siya sa kapatid, hindi tumutulong sa bahay at maghapon na lamang nagsusuklay. At malupit. Nanghuhuli siya ng mga paruparo (butterflies) na tinutusok niya hanggang mamatay at isinasabit na palamuti (decoration) sa buhok. Tapos, nagpupunta siya sa lawa upang masdan ang sarili sa tubig. Paminsan-minsan, nakikita niyang nangingisay pa ang paruparo at tuwang-tuwa siya sa galaw nito sa kanyang buhok.

Dahil dito, ayaw siya ng mga tao na lalong humanga at nagmahal sa kapatid niyang Mangita. Lalo namang nagselos at nainggit si Larisa kay Mangita.

Isang araw, isang pulubing matandang babae ang lumapit sa kanilang kubo at humingi ng kaunting kanin (arroz, rice) para sa kanyang maliit na mangkok (cuenco, bowl). Nagsusuklay ng buhok nuon si Larina sa pintuan, at nasuya sa pag-abala ng pulubi. Sinigawan niya at itinulak palayo. Natumba ang matandang babae at nabagok ang ulo sa bato.
Narinig ni Mangita ang ingay at humangos mula sa pagsu-sulsi niya ng isang lambat. Nakita niya ang sugatang pulubi at maagap na tinulungan. Ginamot niya ang sugat at pinatigil ang pagdugo. Pagkatapos, sumandok siya ng kanin mula sa palayok (olla, pot) at pinuno ang mangkok ng pulubi. Nagpasalamat ang matandang babae.

“Hindi ko kalilimutan ang iyong bait at awa,” sabi niya kay Mangita bago ugod-ugod na lumakad paalis. Hindi niya kinibo si Larina na tumawa lamang, at nagsalita pa ng paghamak. Pinagalitan siya ni Mangita dahil sa kanyang kawalan ng maka-tao subalit sa halip na magsisi, lalo lamang namuhi si Larina.

Pagkaraan ng panahon, namatay ang ama. Lumuwas siya sa lungsod (ciudad, city) sa kanyang bangka, tulad sa madalas na niyang gawa, upang ipagbili ang kanyang huling isda subalit nuon, laganap ang sakit duon. Siya ay nahawa, nagkasakit at natuluyan. Naiwang lubos na ulila na ang magkapatid.

Upang magkaruon ng hanap-buhay, umukit si Mangita ng magagandang kabibi (conchas, seashells) at ipinagbili. Kumita siya ng sapat lamang pambili ng pagkain. Nakiusap siya kay Larina na tumulong upang lumaki ang kanilang kita subalit hindi siya pinansin ng kapatid na nagpatuloy na nag-aliw na lamang sa sarili.

Patuloy ang laganap ng sakit at si Mangita ay naratay. Nagma-kaawa siya kay Larina na alagaan siya subalit malaki talaga ang muhi ng kanyang kapatid kaya pinabayaan siyang lumala.
Nagsimulang maghingalo si Mangita at malapit nang mamatay nang bumalik ang pulubing matandang babae. May dalang supot (bolsa, bag) ng mga buto (semillas, seeds) ng halaman ang pulubi. Dumukot siya ng isa at isinubo kay Mangita. Ilang saglit lamang, nagsimulang gumaling si Mangita bagaman at lubha pang nanghihina kaya hindi nakayanang magpasalamat.

“Subuan mo siya ng isang buto oras-oras hanggang pagbalik ko,” habilin ng pulubi kay Larina bago umalis. Naiwan ang mga buto kay Larina subalit hindi niya binigyan si Mangita. Katunayan, sa laki ng inggit at muhi sa kapatid, hinangad niyang mamatay na si Mangita. Kaya, sa halip na alagaan ang kapatid, itinago ni Larisa ang mga buto sa sariling mahabang buhok.

Muling lumala ang sakit ni Mangita at humina nang humina ang paghinga. Agaw-buhay na siya nang bumalik ang pulubing matandang babae. Tinanong niya si Larisa kung sinubuan ng buto ang maysakit tulad ng bilin. “Oo!” sagot ni Larisa, at ipinakita pa ang supot, wala nang laman. Hinalughog ng pulubi ang kubo at bakuran subalit wala siyang nakitang itinapon o itinagong buto. Muli niyang tinanong si Larisa at muling sumagot ito ng “oo.”

Nuong sandaling iyon biglang sumabog ang liwanag sa luob ng kubo at nasilaw si Larisa tulad ng pagtitig sa araw. Pagbalik ng kanyang paningin, matapos ng ilang saglit, hindi na pulubi ang nasa harap niya, kundi magandang diwata! Kalong-kalong nito ang may sakit na Mangita.

“Ako ang pulubing humingi ng limos sa inyo,” bigkas ng diwata, “sapagkat nais kong matanto ang inyong kaluoban. Mabait si Mangita kaya isasama ko siya sa aking tahanan sa pulo nitong lawa. Subalit ikaw ay masama!”

Itinutok ng diwata ang daliri sa mukha ni Larisa, sabay sa paratang at pataw ng parusa.
“Mula ngayon, luluhod ka habang panahon sa ilalim ng lawa at magsusuklay upang masuyod nang walang katapusan ang mga buto mula sa iyong buhok!”
Pumalakpak minsan ang diwata at pumasok ang ilang bulilit (enanos, dwarves) at hinatak paalis ang humihiyaw na Larisa.

“Halika,” bulong ng diwata kay Mangita, “umuwi na tayo!”
At mula nuon, duon sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita at nabuhay silang masaya at mapayapa. Si Larisa naman ay nasadlak sa ilalim ng lawa, walang tigil ang suyod sa buhok. Isa-isa, naalis ang buto at sumibol na luntiang halaman (green plant) na lumutang sa tubig. At tuwing malakas ang ulan at hangin, inaanod itong halaman pa-agos sa ilog Pasig na, pagkita ng mga tao, ay nagpapa-gunita sa kanila na pinaparusahan si Larisa dahil sa kanyang kasamaan.


Si Mangita At Si Larina, Sa Lawa Ng Bai
Alamat ng Laguna de Bai

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento