Tula: MGA NATUTULOG SA BANGKETA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(14 pantig bawat taludtod)
bangenge na naman ang mga batang lansangan
baka muling nag-rugby nang gutom ay maibsangegewang-gewang na sila’t tulala na naman
at pati nga bangketa’y ginawa nang tulugan
tanging karton lang ang pansamantalang tahanan
silang natutulog sa bangketa’y buto’t balat
sila’y tulog na ngunit mata’y mistulang dilat
mapupula, bilog na bilog, nakamulagat
kayhimbing ng tulog kahit araw na’y sumikat
gigising ng gutom kahit ramdam nila’y bundat
sadyang kaytagal na nilang laman ng lansangan
mula pagkasilang doon na pinabayaan
sa kanila’y inutil itong pamahalaan
at walang magawa sa kanilang kalagayan
salot nga ba sila o biktima sa lipunan?
(14 pantig bawat taludtod)
MGA NATUTULOG SA BANGKETA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Tula
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento