Sagot: ilaw
2. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
3. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
4. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: langka
5. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
6. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
9. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
10. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
11. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
12. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
13. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
14. May bintana nguni’t walang bubungan,
may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka o gunting
16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
17. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
18. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
19. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
24. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote
25. Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
26. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok
28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw
29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas
30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: balimbing
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento