IKAW NA LAMANG (MATUD NILA)

Kalungkutan sa unang pagibig
Ang sinapit ng pusong sabik
Ako raw ay walang maiaalay
Kahit kaunting ligaya



Pagkat salat sa yaman
Nasugatan ang aking damdamin
Nanghihinayang ako sa 'yo giliw
Kung sakaling sawi man ang puso

Subalit tunay ang pagsuyo
Kayamanan ko hanggang pumanaw
Ang pagibig mong tanglaw sa buhay
Binabanggit kita sa panalangin

Lumigaya ka pagpalain
Ay aking mahal ikaw na lamang
Ang ligaya ko sa kalungkutan
T'wing sasapit ang gabing tahimik

Di kita malimot sa pagibig


IKAW NA LAMANG
bersyong Tagalog ng MATUD NILA
by Ben Zubiri

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento