Hito na may Ampalaya

4 na hito, katamtaman ang laki
3 butil na bawang
6 na kamatis
2 sibuyas bumbay
3 ampalaya



♦  Linising mabuti ang hito at postahin. Itabi.
♦  Hiwaing maliliit ang kamatis, sibuyas at ang ampalaya.
♦  Pitpitin ang bawang.
♦  Magsalang ng kawali,igisa ang bawang sibuyas at kamatis.
♦  Isunod ang hito.
♦  Timplahan ng patis.
♦  Lagyan ng 2 puswelong tubig. Takpan at bayaang kumulo.
♦  Kapag luto na ang hito ay isunod ang ampalaya.
♦  Pakuluan pa uli.
♦  Ihaing mainit.




Hito na may Ampalaya
Lutuing Pinoy

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento