Noong unang panahon, may isang sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na puno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.
Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang ipinakulong niya sa piitan. Lagi at laging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan ng katarungan.
Hindi lang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.
Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit laging nakasubsob sa ulo niya ang makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay laging suot niya saan man siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya.
Nangunguna rin sa kasakiman si Sultan Barabas. Ang malawak na hardin niya na pinamumungahan ng iba’t ibang prutas ay hindi niya pinapapasukan kaninuman.
Gugustuhin pa niyang mangabulok ang mga makopa, mangga at chesa na bunga ng mga puno kaysa ipamigay sa sinumang maralitang kumakalam ang tiyan.
Ang kawalan ng katarungan ni Sultan Barabas ay minsan na namang napatunayan. Ayaw na ayaw ng Sultan na gabi na ay nasa lansangan pa ang sinuman sa kaniyang mga nasasakupan. Isang mangingisda noon ang minalas na hinatinggabi sa panghuhuli ng isda. Sapagkat walang awa sa kapwa, pinadakip ni Sultan Barabas ang mangingisda. Pagkatapos na patiwarik na ilublob ito sa tubig ay ipinakulong pa ni Barabas ang pobre.
Nakarating sa asawa ng mangingisda na isang magdadaing ang balitang pagpaparusa at pagpapakulong. Dali-dali itong nagpunta. Kahit alam niyang natutulog pa ang Sultan ay pinuntahan niya at kinatok ang tirahan ng pinuno.
Galit na galit na nagising ang Sultan. Itinanong ng mayabang na pinuno kung sino siya. Sinabi ng kumakatok na magdadaing na asawa siya ng mangingisda at naroon siya upang makiusap na pakawalan ang ikinulong. Nagkibit-balikat lang ang gahaman. Nang malaman ng Sultang ekspertong magdadaing ang nagmamakaawa ay nakaisip ng paraan ang tuso. Lalo itong naggalit-galitan. Ipinatawag niya ang mga kawal at ipinakagat sa mga langgam ang kaawa-awang magdadaing bago ito ipinakulong sa piitan.
Kahit nakakulong ay natutuwa ang mag-asawa sapagkat sila ay muling nagkita. Upang maging mga produktibong alipin ng Sultan, ang bawat isdang mahuli ng mangingisda ay pinasusukaan kaagad sa magdadaing.
Bagamat maligaya ang mag-asawa na kahit mga alipin ay magkasama, sumasagi rin sa kanila ang kalungkutan kapag naaalala nila ang tanging anak na naiwan sa kanilang tahanan.
Hindi alam ng mag-asawa na habang wala sila sa tirahan may mga ada namang nagbabantay sa kaisa-isa nilang mahal sa buhay na kahit totoy na totoy pa lang sa kamusmusan ay marunong na ring manindigan.
“Saan po ba naroon ang tatay at nanay ko?”
“Nasa kaharian sila ni Sultan Barabas. Pinarusahan sila at ipinakulong sa mga kasalanang hindi nila dapat pagdusahan.”
“Tulungan po ninyo ako. Gusto ko po silang makawala sa kulungan.”
Nang nakita ng mga ada na lumuluha ang kaisa-isang anak ng mangingisda at magdadaing ay naawa sila. Nang gabi ring iyon ay inilawan nila ang daan ng inosenteng bata papunta sa kaharian.
Ang mahimbing na pagtulog ng Sultan ay lubhang nagambala ng malakas na katok ng bata sa pintuan ng kaharian.
“Sino ka at sa ganitong oras ng gabi ay kumakatok ka sa palasyo ko?”
“Gutum na gutom na ako. Hihingi ako ng pagkain sa mesang kainan mo.”
“At bakit ka sa akin hihingi ng pagkain mo?” nag-aalborotong tanong ng Sultan.
“Pinasisid mo sa dagat ang ama kong mangingisda. Ang ina ko naman ay pinapagdaing mo. Sila ang dahilan kaya marangyang-marangya ang iyong mesang kainan.”
“Lintik na bata ka!” nanginginig sa galit na sigaw ng Sultan. “Ano ang karapatan mong humingi ng anuman sa aking mesang kainan?”
“Hindi ikaw ang nagpagod upang mangisda at magdaing. Mga magulang ko ang iyong inalipin. Sa anumang kanilang itinanim, sila lang ang dapat na may anihin!”
“Aba napakaliit mong bata ka, akala mo kung sino ka. Hindi mo ba alam na Sultan akong dapat mong igalang?” nangangalog ang babang sigaw ng gahaman.
Napansin ng bata ang makinang na koronang naiwan ng Sultan sa higaan. Tinakbo niya ito at isinuot at nang-iinsultong nagwika, “Ang korona ay ipinapatong lang sa ulo ng lider na mabuti sa tao. Masama ka, ipinakulong mo ang ama at ina ko. Ngayon ako naman ang habulin mo at ipakulong mo.” nang-iinis na nagtatakbo sa loob ng palasyo ang bata.
Sa sobrang galit ng Sultan ay hinabol niya nang hinabol ang musmos. Hindi maabut-abutan ng sukab ang inosenteng bata sapagkat inililipad ito ng mga ada. Nakarating ang habulan sa malawak na harding kinatatamnan ng maraming punungkahoy. Sa sobrang pagod ay sumakit ang dibdib ng Sultan na ikinatumba nito. Noon din ay namatay ang Sultang walang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng katarungan.
Sa lugar na kinatumbahan inilibing ang Sultan.
Ang kamatayan ng ganid na dapat sana’y ipinagluksa ay ikinatuwa pa ng marami.
Ang humaliling Sultan ay kakaiba sa namatay. Tinitimbang niyang mabuti ang bawat paratang sa sinumang nagkasala. Hindi rin siya padalus-dalos sa pagpapataw ng parusa. Sinisikap niyang magbigay ng isang makatarungang pagpapasiya sa kaso ng sinumang nasasakupan niya mahirap man o mayaman. Para sa kaniya ang lahat ay pantay-pantay • sa napipiringang katarungan.
Sapagkat totoong makatarungan, pinalaya at tinulungan ng bagong Sultang makapamuhay nang matiwasay ang mangingisda at magdadaing. Binigyan niya ng karapatan ang inosenteng bata na malayang makapupunta sa hardin upang mamitas ng anumang prutas na kaniyang piliin.
Ipinagdiwang ng iahat ang panunungkulan ng makatarungang Sultan.
Isang araw na naglilibot sa hardin ng palasyo ang bagong Sultan ay nakatawag ng pansin niya ang isang halamang tumubo sa pinaglibingan kay Barabas. Pinadiligan niya ito sa mga hardinero at pinaalagaan araw-araw.
Ilang taon din ang nakaraan at naging malaking puno ang halaman. Nagtataka ang Sultan nang mamunga ang puno sapagkat mukha itong ulo ng tao na may korona sa tuktok.
“Si Barabas yan!” sigaw ng mga tao. Nang tikman nila ang bunga ay nagulat sila.
“Pagkapait-pait! Kasimpait ng ugali ni Barabas!” Ilang araw lang ang lumipas ay lumaki na ang mga bunga ng berdeng prutas. Nang kagatin ng mga bata ay napangiwi sila.
“Pagkaasim-asim! Kasing asim ng mukha ni Barabas!” Hindi nagtagal, ang mga berdeng bunga ay dumilaw at naging hinog na. Napangiti ang lahat nang pitasin ang mga bunga at kagatin.
“Pagkatamis-tamis! Pagkasarap-sarap ng Barabas!” Magmula noon, tinawag na Barabas ang berdeng prutas na may nakapatong na korona. Minsang nanungkit ng berdeng prutas ang ilang paslit na bata at tanungin ng mga nakatatanda kung ano ang tawag sa nabanggit na bunga ay sabay-sabay silang nagsisagot na, “Barabas, Barabas, Bayabas!”
Diyan nagsimula ang alamat ng Bayabas.

Alamat ng Bayabas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento