Paskong Nalimot Na? (ni Karen Gutierrez)

Tula: Paskong Nalimot Na?
Ni Karen Gutierrez
Isang taon rin ang nakalipas
At pag-ibig, di pa rin kumukupas,
Sana’y pagmamahalan ay wagas,
At tibok ng puso’y di pa rin nagwawakas

Papalapit na naman ang Pasko, mahal
Sana’y pangarap natin na kaytagal,
Matupad na upang sa wakas ay makita ka,
Malapitan ka, mayakap ka, at mahagkan

Ngunit ako ba’y iyo ring hinahanap, sinta?
Ngayong mundo nati;y sadyang magkaiba,
Pasko ko’y lubhang nakapangluluksa,
Sana’y dumating ka’t pawiin na itong bigla

Subalit bakit ako yata’y nalimot na
Ng iyong pusong parang kailan lang,
Nangako’t nangarap sa harap ko, sinta
“Di bale next year, diyan ako magpapasko, mahal.”


Paskong Nalimot Na?
Ni Karen Gutierrez
Tula

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento