Pasko (ni Coralyne)

Tula:   “Pasko”
Ni Coralyne
Kamusta ka na?
Mukhang malungkot ka na naman,
Gusto mo ba ng makakasama,
Sasamahan kita ng di ka mag-isa

Nananakit ang puso mo,
Dahil sa mga nakita mo
Dahil sa mga nabasa mo,
Nandito ako, wag ka nang malungkot

Naiintindihan kita
Alam ko ang nadarama mo
Nasasaktan, nahihirapan
Tila sumasabog ang puso mo

Hayaan mong samahan kita,
Nang hindi ka na malungkot
At para ngayong Pasko,
Ay di ka mag-isa

“Pasko”
Ni Coralyne
Tula

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento