Alamat ng Uling

Alamat ng Uling

Noong unang panahon sa maliit n bayan ng Putis ay naninirahan ang iba’t ibang klase ng tao, ilan dito ay ang pamilya ni OLIN.  Si Olin ay isang magandadang babae.  Walang tao ang hindi pumapansin sa kanya lalo na sa napakakinis at napakaputi nitong balat.

Ang sunod naman ay ang pamilya ni TAKIM. Siya ang may pinakakaibang balat sa buong bayan, ika nga parang nasunog sa sobrang itim.

Alamat ng Uling charcoal Legend Tagalog Mga Alamat ng Pilipinas Talambuhay Pabula

Isang araw nagkita sina Olin at Takim.

Nang makita ito ni Olin ay halos bumaliktad ang sikmura nito sa sobrang pandidiri.  Hindi naman maitatago ang lungkot at pagkaglit ni Takim.  Nang malaman ni Olin na sa iisang bayan lamang sila naninirahan ay agad na ipinagkalat niya sa mga tao ang tungkol kay Takim.  Kaya’t halos ng makakasalubong nito ay namimilipit sa katatawa.

Walang ibang marinig si Takim kung hindi ang : “ Naku! Tignan nyo nga ako ang puti-puti ko. Mamula-mula ang kutis ko’ lalo na si Olin."

Halos magdilim ang paningin ni Takim sa sobrang pagkagalit.

Ang hindi alam ni Olin ay maraming kaka-ibang kaibigan si Takim lalo na sa lugar na iyon. Binabantayan nila lahat ng kilos nito.  Bawat salita na binabanggit niya tungkol kay Takim ay may parusa silang ipapataw.

Nang may ilang araw na patuloy pa rin ang masasakit na mga salita ang lumalabas kay Olin.  Hanggang sa napuno na ang mga kaibigan ni Takim.  Araw-araw ay hindi niya tinitigilan si Takim.  Kaya’t hanggang sa panagiginip ay si Takim pa rin ang nasa kanyang isip.

Dumating ang araw na punong-puno na ang mga nilalang sa ilalim ng lupa kaya’t nagisip ng plano ang mga ito para matulungan si Takim.  At iyon ay ang maranasan ni Olin ang mga nararanasan ni Takim.

Sa isang masamang panaginip, nanghimasok ang mga taga lupa at iyon ang simula ng paghihirap ni Olin.  Sa kanyang panaginip puro pasakit ang kanyang nararanasan hanggang sa unti-unti ng nagkakatotoo ang lahat.

Sinabi sa kanya ni Takim, “Lahat ng pangungutya mo sa akin, balang araw ay babalik at babalik sa’yo!”

Nagsimula ng matakot si Olin.  Hanggang sa pagtulog ay dala-dala niya sa kanyang isip ang lahat nang ito. Nagsisimula na naman siyang managinip ngunit sa panaginip na ito ay magiging totoo ang lahat.  Parang may kakaibang nararamdaman si Olin.

Sa kanyang paggising ay nagsisigaw ito, “Tulungan n'yo ako!   Nasusunog ang buong kong katawan!”

Wala ni isa ma'ng nakarinig kay Olin kaya’t nasunog ito hanggang sa maghihiwalay ang kanyang katawan at naging kulay itim ang lahat.  Hanggang sa natagpuan itong patuloy na nagbabaga.

Mula noon ay patuloy pa rin nagbabaga si OLIN sa hiwahiwalay kulay itim nitong katawan.

Hanggang nagtagal si OLIN at tinawag na ULING.

Patuloy parin itong ginagamit sa kasalukuyan.  Kaya’t lahat ng tao doon ay gumagamit nito tanda na rin ng ala-ala ni Olin.


Alamat ng Uling

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento