Alamat ng Suklay

Alamat ng Suklay

Noong unang panahon,sa isang baryong Marikit, ang lahat ng mga kadalagahan ay nagpapasiglahan sa pagpapahaba ng kanilang buhok.  Sa isang dako ng baryo, may isang mala-anghel sa kagandahan ang dinadayo ng ligaw ng mga kabinataan.  Ngunit, ang kagandahang ito ng dalaga ay hindi masilayan ng sinumang nagnanais na siya'y makita dahil sa kanyang mahabang buhok na nakatakip sa kanyang mga mata.  BUBAD ang kanyang pangalan...
Alamat ng Suklay Legend of the comb Philippine Legends Bugtong Parabula

Maraming kalalakihan ang sumubok na siya'y angkinin ngunit sila ay nabigo.  May sumpa kay Bubad na hindi niya maaaring ipakita ang kanyang kagandahan sa lalaking hindi sigurado kung nagmamahal ng tunay dahil kapag pinakita niya ito sa taong hindi tapat ang pag-ibig sa kanya,ang lalaki ay mamamatay.

Lumipas pa ang mga panahon, habang si Bubad ay nakaupo sa ilalim ng puno ng kawayan, may isang lalaking dumaan at nagsabi, "Bakit nakatago ang iyong mukha sa iyong buhok?"

Yumuko si Bubad at ngumiti ng palihim.

"Napakatamis ng iyong mga ngiti kung ito ay hindi mo ipagdadamot.." dagdag pa ng lalaki.

Gumaan ang loob ni Bubad dahil tanging ang binata lamang ang nakapansin sa kanyang ngiti...

Sa pagdaan pa ng mga araw, naging matalik pa silang magkaibigan ni Rafael. Naging madalas ang kanilang pagsasama at pagkikita hanggang sa tuluyan ng nahulog ang loob nila sa isat isa.

"Mahal na mahal kita Bubad, wala akong takot sa aking sarili. Alam kong hindi ako mamamatay kapag hindi mo pinagkait ang iyong kagandahan."

Nag isip si Bubad na mabuti.  Mahal na mahal din niya si Rafael ngunit natatakot siyang baka hindi tapat ang pagmamahal nito sa kanya at ito'y mamatay lamang.

"Sa ika-pito ng gabi, hihintayin kita sa aming bahay.  Ito ay aking kaarawan." pasya ni Bubad.

Nag isip ng magandang regalo si Rafael kay Bubad.  Habang siya ay nagmamasid sa paligid, pumulot siya ng mga maliliit na sanga galing sa punong kawayan.  Pinagtagpi-tagpi niya ito.  Nabuo ang isang tangkay na animo'y may maliliit na ngipin.  At tinawag niya itong pang-sangkay sa buhok ni Bubad.

Sa kaarawan ni Bubad, iniabot niya ang pang-sangkay kay Bubad.  Humarap ito sa salamin at sinuklay ang buhok na nakahawi sa mukha.  Tila isang anghel ang nasilayan ni Rafael.  At hindi nagkatotoo ang sumpa.  Hindi namatay si Rafael.  Kaya't masayang masaya silang nagmahalan..

"Dahil sa pang-sangkay na ito kaya't natutunan kong ipakita ang aking sarili sa iba at magtiwala." mungkahi ni Bubad.  Di naglaon,ang pang sangkay ay inawag nadin na SUKLAY..


Alamat ng Suklay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento