Ang Balagtasan isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa. Karaniwan ito ginaganap sa ibabaw ng tanghalan. Ang mga makata o mambibigkas na nagsisiganap ay nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at masining na pamamaraan. Ang unang balagtasan ay ginanap sa bulwagang Instituto de Mujeres noong Abril 6, 1924 bilang parangal kay Francisco Balagtas, ang kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog.
♣ Ito ay may sukat at tugma
♣ Ipinakilala ang balagtasan sa Pilipinas noong ika-2 kapat ng ika-20 siglo ng isang grupo ng makata na nagnanais magpakilala ng naiibang anyo ng pagtutula
♣ Ito'y isinunod sa pangalan ni Francisco Balagtas bilang pagbibigay pugay sa Ama ng Panulaang Tagalog, Prinsipe ng Makatang Pilipino
♣ Oktubre 18, 1925 - naganap ang ikalawang Balagtasan Contest sa Olympic Stadium sa Maynila
♣ Si Jose Corazon De Jesus ang kinilalang kauna-unahang Hari ng Balagtasan na taglay niyang titulo hanggang sa siya ay pumanaw
KATANGIAN
1. Ang mga gumaganap ay mga makata o mambibigkas na mahusay sa pagbigkas
2. Ang pangangatwiran ay inilalahad sa pamamagitan ng mga piling salita na may sukat at tugma na siyang nagbibigay ng indayog kapag binibigkas. Ang indayog ng pagbigkas ang nagbibigay ng kariktan at kasiningan sa Balagtasan na siyang umaakit sa mga tagapakinig.
3. Ito ay binubuo ng dalawang panig na ang isa ay sang ayon at ang isa naman ay sa panig ng di sang ayon sa paksang pinagtatalunan.
4. May isang tagapamagitan sa nagtatalong dalawang panig na kung tawagin ay Lakandiwa.
5. Ang dalawang panig ay maaaring gampanan ng isa, dalawa o tatlong mga kalahok na mambibigkas o makata ang bawat panig, depende sa kagustuhan at pagkakasunduan ng mga naghahanda ng Balagtasan.
6. May kani-kaniyang oras ng pagtindig ang bawat panig kaya may unang tindig sa panig ng sang ayon at di sang ayon, may ikalawa, ikatlo at ikaapat depende kung gaano kahaba ang Balagtasan.
7. Hangarin ng bawat panig ang mapaniwala ang katalo at ang mga tagapakinig sa kanyang pangangatwirang inilalahad.
8. Gumagamit ang mga makata ng mga salitang tiyak na malinaw upang ang pangangatwiran ay ganap na maunawaan.
9. Nagbibigay ng mga patunay na katotohanan.
10. Ang bawat panig ay dapat na may sapat na kaalaman sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa ano mang pag-uusisa ng kalaban tungkol sa paksang pinagtatalunan.
11. Ang mga tagapakinig ang nagbibigay ng hatol ayon sa narinig na paglalahad ng mga katwiran ng magkabilang panig.
PANGANGAILANGAN SA BALAGTASAN
♣ paksang pagtatalunan
♣ dalawang panig-sang ayon at di sang ayon
♣ lakandiwa na siyang tagapagpakilala at tagapamagitan
♣ mga tagapakinig
♣ tanghalan
PARAAN NG PAGTATALO
1. Ang magsisimulang tumula ay ang Lakandiwa na magpapakilala sa mga pangkat ng magtatalo.
2. Ang panig ng sang ayon ang unang naglalahad ng kanyang katwiran.
3. Pagkatapos ng kanyang paglalahad ay tutugon ang di sang ayon, ito ang unang tindig naman ng di sang ayon.
4. Kung tapos na ang pagsagot ng panig ng di sang ayon ay muling tatayo ang panig ng sang ayon, ito ang ikalawang tindig na sang-ayon. Ganito ang magiging paraang hanggang sa matapos ang Balagtasan.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA BALAGTASAN
♣ gumagamit ng iba't ibang istilo ng pagsusuri ng mga patunay o katibayan
♣ nagbibigay ng iba't ibang uri ng mga patunay o katibayan sa pangangatwiran
♣ maayos at mabisa ang paglalahad ng mga katwiran
DAPAT TAGLAYIN NG MAMBABALAGTAS
♣ marunong at sanay tumindig sa harap ng madla
♣ may magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon
♣ may pagsasaalang-alangat pitagan sa kanyang katalo, sa Lakandiwa at sa mga nakikinig
BALAGTASAN
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento