CREDO (by Ramon Magsaysay) in Tagalog

Ako ay naniniwala na ang pamamahala ay nagsisimula sa ibaba, paakyat sa itaas dahil ang pamahalaan ay para sa kapakanan ng mga nakakarami sa ating bansa.

Ako ay naniniwala na ang mga kapos sa buhay ay dapat nakakahigit sa batas.

Ako ay naniniwala na ang mga karaniwang mamamayan ay may pangunahing karapatan sa
pagkain, sa pananamit at sa tahanang masisilungan.

Ako ay naniniwala na ang bayang ito ay biniyayaan ng isang pusong tumataginting at punong-puno ng kasiyahan na nagtataglay ng angking galing at nakakahangang kakayahang harapin ang mga pagsubok sa buhay.


Ako ay naniniwala na ang mataas at hindi magbabagong magandang batayan ng ugali ang dapat pairalin sa lahat ng gawaing pamamahala.

Ako ay naniniwala na dapat ay malakas at matatag ang pakiramdam ang pamahalaan at ang mga namamahala ay dapat nag-aangkin ng mainit na hangaring matupad ang kanilang mga mga pakay katulad ng mga misyonaryo.

Ako ay naniniwala sa mataas na pagpapahalaga ng pagpapatupad ng karapatang pantao na naayon sa Saligang Batas at mga batas na nilikha.

Ako ay naniniwala na ang mundong malaya ay sama-sama ang lakas at hindi nangangailangan ng dahilan upang isa hindi pahalagaan ang karangalan ng nilalang. sa

Ako ay naniniwala na ang komunismo ay walang katarungan; ganoon din ang karahasan ginagawa nito sa principyo ng Kristiyanismo.

Ako ay naniniwala ang pangulo ay dapat maging halimbawa ng maunawaing puso, matapat na pag-iisip, nag-aangkin ng kakayahang laging matiyagang umunawa at may walang katapusang pagmamahal para sa karaniwang tao.

CREDO
Ramon Magsaysay
(sa bersyong Tagalog/Filipino)




Kung gusto nyong mabasa ito sa orihinal nga English version, click lang po ito: Credo by Ramon Magsaysay




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento